Pinigilan ko ang sarili ko sa kakangiti dahil sa naisip ko na baka dito sa Palawan mag-propose sa'kin si Finn. Nandito na kami sa upuan at nakapag-seatbelt na rin. Pababa na rin itong private jet. Hindi tuloy ako makatingin kay Finn dahil kinikilig akong isipin na magpo-propose siya sa'kin. Umiling na lang ako. 'Ano ka ba Elicia! Paano ka nakakasiguradong magpo-propose sa'yo si Finn?! Masyado kang nagmamadali!' pakikipag-away ko sa isipan ko. Malay mo lang naman 'diba? Hindi naman masamang umasa. Kaso nga lang ay masasaktan lang ako kapag hindi nangyari ang inaasahan ko. Pilit kong inaalis sa isipan ko na hindi magpo-propose sa'kin si Finn at baka umasa lang ako kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko. 'Hay nako bahala ka diyan. Ikaw naman ang masasaktan kakaasa,' pakikipag-away muli ng

