Umuwi na sila at nakahiga na'ko ngayon sa kama ko habang nakatulala lang sa kisame. Kaya lang din pala pumunta rito sila Finn at Cole dahil baka masundan daw si Nica ng mga tauhan ng parents nila dahil nalaman nila na simula nung nagsabi si Finn sa mga magulang niya na may ipapakilala siyang girlfriend niya, pinasundan na siya ng mga parents niya sa mga tauhan nito kaya kailangan nilang magdoble ingat para hindi mabigo ang plano namin. Muling bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina habang pauwi kami ni Edward. Nakakatakot. Ngayong mag-isa lang ako ay natatakot na'kong matulog dahil baka mamaya ay mag-appear na naman ang memory na iyon. Nanginginig na ang kaliwang kamay ko ngayon kaya hinawakan ko ito gamit ang kanang kamay ko. Naluluha ako dahil sa takot at sa lungkot. Kinakain ako ng

