Umupo ako upang pantayan si Edward. Hinaplos ko ang buhok niya dahilan para matigil siya sa pag-iyak at tumingala. "Come on." Hinawakan ko ang braso niya at pinatayo siya. Tumayo naman siya. Pagtapos ay hinila ko siya papuntang couch at doon ay tabi kaming umupo. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kaniya. Siya naman ay hindi makatingin sa'kin. "Thank you for being honest Edward. Thanks God dahil sa pagiging honest mo ay nabawasan ang bigat na nararamdaman mo," nakangiting sabi ko. Tumingin naman siya sa'kin. "It's okay Edward, I already forgive you. Kung naiisip mo na mabigat ang kasalanan mo, for me hindi iyon mabigat and it's okay. Nobody's perfect. And I want you to know na kahit naging dishonest ka ay may tiwala pa rin ako sa'yo. Buong buo pa rin ang tiwala ko sa'yo at hindi pa

