Kinabukasan ay pumunta kami sa bahay ampunan para mapaganda ito at makapag-prepared para sa noche buena mamaya. Tuwang-tuwa ang mga bata na makita kaming tatlo nila Finn at Nica. Wala pa si Edward at sinabi niya na hahabol na lang siya mamaya. Binigay muna namin sa mga bata ang souvenirs na binili namin sa Palawan. Mamayang gabi na namin ibibigay ang gifts sa kanila na tinago namin dito lang sa bahay ampunan. Nakatago ang mga regalo namin ni Finn sa kwarto ni Mother Lily at tinago namin ito bago kami pumunta ni Finn sa Palawan. Pagkarating namin ay nagpahinga lang kami saglit ni Nica at umalis din kaagad kasama si Mother Lily para mamili ng mga kailangan para sa mga lulutuin para sa noche buena mamaya. Hindi namin sinama si Finn para siya ang magbantay sa mga bata sa bahay ampunan. G

