After naming makapagluto ay nilagay na namin ang mga pagkain sa labas. Dito kami sa labas magce-celebrate. Sa may space kung saan naglalaro ang mga bata. Mas maganda kasi rito para makakita ang mga bata ng fireworks mamaya and kaya rin namin napagdesisyunan na dito sa labas mag-celebrate, iyon ay dahil magpapaputok din kami mamaya. Naglagay lang kami ng mga ilaw sa labas at nilagyan din namin ang mga puno para maliwanag ang paligid. May malaking table rin kami kung saan nakalagay ang mga pagkain at isa pang table kung saan kami magsasalo-salo mamaya. Tinakpan namin muna ang mga niluto namin and after that ay naligo kami at nagbihis and nag-ready para salubungin ang bagong taon. Hindi ulit makakapunta si Fiona dahil kailangan siya ng mga pasyente niya. Tinuon na niya ang buhay niya sa

