Mukhang natigilan siya sa paglalakad dahil mukhang may na-realize siya. "Wait, kaya ba hindi mo binabasa o nirereplyan man lang ang mga text ko dahil iniiwasan mo'ko since tingin mo ay masasaktan ako kapag nalaman kong kayo na ni Finn?" tanong ni Edward. Unti-unti naman akong tumango. Napangiti naman nang malaki si Edward dahil do'n. "Look, Elicia. I really appreciate na concern ka sa nararamdaman ko. Thank you for being concern but you don't have to worry about me. And you don't even need to care about me. It's your decision Elicia. May karapatan kang pumili ng gusto mong maging karelasyon. Isa pa, it's Finn, that's why I must say that you made a right choice. Kung inisip mo na masasaktan ako, yes masasaktan ako pero lilipas din ito and hindi naman ito magtatagal. Ang mahalaga ay masay

