CHAPTER 14 (WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.) Lahat sila ay nakatingin na kay Ambrose. May hawak siyang cellphone sa kanyang kaliwang kamay. And that's my phone. Naiwan ko sa sasakyan niya. “Sino ang lalaking 'to?” tanong ni mama. May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi at mabilis na naglakad papunta sa main door upang salubungin si Ambrose. What a great timing. Nandito siya habang nagkakaganito ang pamilya ko. “Sino ang kailangan mo? Kilala mo ba 'to, Grace? Friend ka ba ni Grace?” tanong nito. “Pasok ka, pasok ka, upo ka rito. Grace, hindi ka naman nagsabi na dadalaw sa’Yo ‘tong kaibigan mo! Sana nakapaglinis man lang tayo ng bahay natin.” Habang nagsasalita si mama ay sa akin lang nakatutok ang mga mata ni Ambrose. Narinig n

