CHAPTER 17

1338 Words

CHAPTER 17 Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay baka naibuga sa mukha niya ang tubig. Naubos ko ang isang basong binigay niya at nagrequest pa ako ng isa. “Isang baso pa, please.” Utos ko at binigay ulit ang baso sa kanya. Natatawa niya iyong tinanggap. “Tawa-tawa ka pa, ikaw ang may kasalanan nito. Kung makabembang ka sa’kin parang gusto mo na akong mawala sa mundong ibabaw.” Sinamaan ko siya ng tingin. Bumalik siya sa akin at binigay na ulit ang isang baso na may lamang tubig. Inubos ko ulit ‘yon. ‘Di naman ako ganito uminom ng tubig. Mas marami pang softdrinks ang nasa katawan ko. Kapag kumakain ako ay nasa isang lagok lang yata ang naiinom kong tubig at puro softdrinks na o kaya ay juice. Para sa akin kasi mas natatanggal ang uh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD