Pagsapit ng Lunes, ayaw sanang makita ni Phylbert si Penelope ngunit wala siyang pagpipilian. Hindi maaaring hindi siya pumasok dahil umpisa na ng finals. Hindi siya tinawagan ni Jace buong weekend. Hindi na siya nagtaka ngunit hindi niya maiwasang masaktan. Bakit hindi na lang siya nito harapin? Ngunit sa tagong bahagi rin ng puso niya ay nagpapasalamat siyang hindi pa siya nito tinatawagan o pinupuntahan. Alam niya na makikipaghiwalay na ito sa kanya. Nararamdaman niyang malapit nang mangyari iyon. Sinikap niyang umaktong normal at walang problema sa harap ng mga magulang niya. Ayaw niyang makahalata ang mga ito na may hindi magandang nangyayari. Nag-aalala siya kay Joaquin. Hindi nito kailangan ng distractions sa puntong iyon ng buhay nito. He was starting a promising career in the fie

