“GOD, JACE, stop staring at me like I’m the most beautiful woman in this restaurant. I already know that, okay?” nakatawang saway ni Phylbert kay Jace. Kanina pa siya naiilang sa paraan ng tingin nito ngunit sinikap niyang itago iyon. Niyaya niya itong kumain sila sa paborito niyang restaurant pagsapit ng tanghalian pagkatapos nilang magyakapan at magkumustahan sa opisina nito. Masarap ang mga pagkain na in-order nila. Kung hindi lang sana sa uri ng tingin nito, kanina pa siya lumalamon. Na-miss niya ang mga pagkaing Pinoy. Inabot nito ang kamay niya at hinagkan iyon. Muntik na niyang mahila pabalik ang kamay niya dahil biglang nanulay ang masarap na kilabot sa kanyang katawan. Napainom siya bigla ng pineapple juice. Hindi na niya kailangang maapektuhan na tila nagbalik siya sa pagiging

