NAGULAT si Phylbert nang makitang hindi ang driver niya ang naghihintay sa kanya sa parking lot ng unibersidad kundi si Jace. Tila kagagaling lamang nito ng opisina. Nakasandal ito sa kotse nito at prenteng naghihintay. He was so gorgeous. Kaagad siyang napangiti nang maluwang at tinakbo ito. Tila nagulat ito nang sugurin niya ito ng yakap. “Hey! Easy, princess,” tumatawang sabi nito. Gumanti ito ng yakap at bahagya siyang iniangat sa lupa. “Sinusundo mo ako?” tanong niya habang nakalambitin sa leeg nito. Ngumiti ito. “Hindi, tumatambay lang ako rito.” Sinimangutan niya ito. Tumawa ito. “Kain tayo sa labas,” yaya nito. He looked so charming. Wala yatang makakatanggi sa ngiting iyon. “Sa isang kondisyon.” Nagsalubong ang mga kilay ni Jace. Hindi marahil ito sanay na hindi kaagad si

