CHAPTER2

3371 Words
"Kayo na ba ni Sitalya huh? Or Let me say kayo na ba habang tayo pa?" Matapang kong tanong kay George. Wala lang syang emosyon na nakapangdekwatro at nakatingin sa kalangitan. "Kung sabihin ko sayong oo? Anong gagawin mo?" He seriously said at pagilid ako tinignan. Kinuyom ko naman ang aking kamay na nasa ilalim ng mesa. "Wala akong gagawin! I just want to know" malamig kong sabi. Pagak naman syang tumawa at umayos ng upo. Tinignan akong may galit ang mga mata. "Nganaman! May kapalit ka na nga sa akin agad e! Hanep! Hindi ka nga nagpaliwanag doon sa video, Nalaman ko pa sa iba tapos kinabukasan na basa ko na lang nakipag break ka na! Bakit masarap ba? Nasarapan? Kaya nakipaghiwalay sa akin?" Nanunuyang sabi. Naginit naman ang ulo ko sa kanyang sinabi at walang pasubaling sinampal sya ng malakas! Nangilagid ang aking mga luha dahil hindi ko i-inexpect na ganito ang mga iniisip nya. How dare him! "Tinawagan kita! Tinawagan!pero sinong sumagot? Si Sitalya! Tulog ka pa daw! Anong gusto mong gawin ko? makiusap sa kanya na gisingin ka? Gago! Magpapaliwanag ako e!I wanted you to know that...that self righteous b***h plan it out! Hah!? Alam mo yon?! Magpapaliwanang ako pero iba ang bumungad sa akin!" Maluhaluha kong sabi. Seryoso nya lang akong tinitignan, hindi naniniwala. Ano pang magagawa ko? Sitalya already plant a lot of bad things in his head!malamang sarado na yan! Hindi na talaga maniniwala sa akin kahit pa anong sasabihin ko, kahit siguro lumuhod ako dito, titignan nya lang ako or worst tatalikuran nya lang ako. And I am surely and confidently know that he's love for me is already gone at si Sitalya na ang nasa puso nya cause he won't be jealous if he's not! I'm sure that it is jealousy cause if that's not jealousy what was that then? "Hindi ko alam ang sinasabi mo?" Umusbong naman ang galit ko sa sinabi nya. I wipe my tears and glared at him. "Talaga? Ang sarap mo pala tignan na nagsisinungaling no? Ang galing! Alam kong may kasalanan ako! Pero hindi ko sadya! Pinlano lahat yon ng babaeng yon! Pero anong ginawa mo? You f**k Sitalya to avenge me? Well f**k you! Napakakitid ng utak mo!sabi mo mahal mo ako? Sabi mo kilala mo ako? BAKIT HINDI KA MUNA NAGTANONG SA AKIN KUNG ANO TALAGA ANG NAGYARI? HINDI SA BABAENG YON!" I said with so much madness. Kumunot lang ang noo nya sa akin, nangilagid na rin ang mga luha na mas nakapadagdag sa mga luha ko. "I am planning to confront you here in school!pero anong ginawa mo? Anong naabutan ko? NAKIPAGLAMPUNGAN KA SA BABAENG SUMIRA SA AKIN! SUMIRA SA DIGNIDAD KO!" Sunod-sunod tumulo ang luha ko. Umawang ang labi nya parang may sasabihin sana. "I wanted to tell you all my fears, gusto kong magsumbong sayo, gusto kong ipagtanggol mo ako, gusto kong marinig sayo naniniwala ka sa akin pero hindi e! Kay Sitalya mo ginawa! KAY SITALYA NA WALANG BREEDING!" Sigaw ko sa mukha nya. Natangis naman ang bagang nya sa sinabi ko. "Don't talk dirty on her-" "Ofcourse, ofcourse you will defend her, I'm not shock anymore! Ang galing no? Infact I admire your assholeness to tell that infront of my face, you treasure her so much huh? Fine, go love her, be happy on her" puno ng sarcismo kong sabi. "But when the time comes, when your brain cells come back in your head? Sana hindi ka magsisi sa huli! And that soon I will just laugh at you because your so stupid!" I said na para bang sumusumpa ako sa punong naging saksi sa pagsasagutan namin ngayon. Magsasalita na sana sya ng inunahan ko na. "Do you think I will bleed sa mga pinaggagawa nyo?" I give him my evil laugh and look deeply in his eyes. "A threefold cord is not quickly broken" madiin kong sabi at tumalikod sa kanya. Nang makalayo layo na ako tumakas din ang hikbi sa aking bigbig at biglang nanghina ang tuhod ko dahil hindi ko pala kaya. Gusto kong balikan si George at mag makaawang magsimula kami ulit. Kalimutan na lang namin to, pinapatawad ko na sya pero hindi ko mahakbang ang paa ko. Hearing how he defend Sitalya from me parang dinurog ang puso ko ng paulit-ulit! I want to blame him but I know to myself na may kasalanan ako, may nagawa ako. Lilingon na sana ako sa kinatatayuan ni George when someone embrace me and make my faced settle in his chest. "Stop looking back to the person not chooses you, he's not worth for your tears" I look up to the person who said that one. Hindi ako nagkamali, it's Dazer, si Dazer na naman, si Dazer! puro na lang si Dazer ang dadating kapag nahihirapan na ako at hindi alam ang gagawin. Gusto kong lumayo sa kanya, I wanted him to know that his presence here made me uncomfortable knowing that we did wrong, wrong in this kind of time and this age...Pero nakita ko na lang ang sarili kong yumakap sa kanya pabalik at humahagulhol ng iyak sa dibdib nya. Lahat ng sakit, sa nagyayari ngayon, at sa kahihiyan, parang inayak ko lahat, to the point sumasakit na ang ulo ko at sumisikip na ang aking dibdib. When the bell rang hudyat na may klase na and the break is over ay kumalas ako sa kanya ng yakap, tumalikod habang pinunasan ang aking luha. I gulped dahil ngayon lang ako nakaramdam ng hiya. "Sorry" paos kong sabi dahil sa iyak ko. Hindi rin ako makatingin sa kanya specially ramdam na ramdam ko ang tingin nya sa akin. "Why sorry? I'm expecting a thank you for you, and treat me a launch" napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi nya. He gave me a warm smile at pinasok ang kamay sa kanyang pocket. "O-okay, lunch, doon na lang sa may garden, kasama ko kasi si Gracey. Hindi pweding wala sya....kasi ano ughhh...but ano, don't worry ako ang bibili ng pagkain" he chuckled. I looked away and bite my lips. My sinabi ba akong nakakatawa? "We can walk together there, we're classmates" tumikhim naman ako sa sinabi nya at conscious na sa mukha ko. Kagagaling ko lang sa iyak! Mukha siguro akong gusgusing bata sa harap nya. Eh ano naman? Bumuntong hininga na lang ako at sumenyas na pupunta na ako sa building. "Again were classmate, mind to walk with you?" Nanunuya nyang sabi. Wala naman sa sariling tumango ako. Hindi na makapagsalita dahil sa kadahilanang hindi ko na rin alam. Halos hindi ako huminga habang naglalakad kami. Nakayuko lang ako at sa paa lang ang tingin kahit ramdam na ramdam ko ang tingin nila sa amin probably curious kung ano na naman ba to? But I don't care, I am not born to empress them forever, everybody have flaws, everyone born imperfect. So don't judge me cause no body is perfect. We can do mistake and through that mistake we can learn and stand up and be a better person, be mature and be knowledgeable enough to conquer every corner in this lifetime. I sigh heavily and try so hard to ignore Dazer presence. His no joke yah know, he's screaming this awra na makapagiisip ka na...respect him or else your doomed but when he care, tagos e parang magiiwan ng marka at hindi na maalis alis sa systema mo. He's...I don't know what words I will describe him, mysterious? But he is beyond that word e. Dahil katabi ko sya, may mind is in a hire wire, wala akong naiintindihan sa klase ko ngayon kahit halos dalawang oras nag nasasalita ang instructor namin walang pumasok sa kukute ko. Ang huling narinig ko na lang ay may quizz kami bukas. I closed my eyes cause I don't understand myself anymore, dati pang magkaaway ang puso at isip ko pero ngayon parang nagkalabuan na sila at hindi na natalaga nakikinig sa isa't isa. Hindi na lang ako lumabas ng classroom, mamaya na sigurong lunch, dito lang din naman ang classroom namin next subject. Busog pa ako, wala akong pupuntahan specially klase pa ngayon ni Gracey, walang saysay ang paglabas ko. "Yong kanina, yong baliw na kaibigan ni Santiago, yong sumugod? Ayon pinatawag daw sa office! Nag sumbong kasi si Sitalya sa mommy nya kaya ayon sumugod dito! Tanggal scholarship siguro abot non!balita kasi scholar lang yon, seniorbpalang pala kaya ganon ka impulsive maka act" Natigilan naman ako nang narinig ang kaklase kong nagsalita habang dumadaan sa upuan ko may door din kasi sa likod. I glance unconsciously to Dazer na walang ginawa kong di maglaro lang ng kanyang pen. Pumikit ako ng mariin bago dali daling niligpit ang mga gamit ko. Shit! Bakit hindi tumawag ang babaeng yon sa akin ?baliw talaga! "What's happening?"lito nyang sabi tatakbo na sana ako patungog sa office nang lumingon pa talaga ako sa kanya para sa sabihing... "Gracey is in the office, she needs me" nag-alala kong sabi. Hindi na ako nag aksya pa ng oras at nagmamadaling pumunta sa Dean office. Naku! Talaga! Sabi ko na nga ba e! Siraulo kasi tong si Gracey! Hindi nag-iisip bago sumgod!Ayan tuloy! At hindi man lang tumawag huh? Kaka pasa load lang non sa akin nong isang araw. She saw a load on my phone, one thousand pesos tapos kinuha nya ang kalahati. Siraulo talaga! Agad akong pumasok sa office nang hindi nagpapaalam. I am panting habang nagtungo sa pwesto ni Grecey katapat si Sitalya at ang kanyang mommy kaya pala wala ang babaitang to sa classroom! Nandito pala! "I want her expell" napakurap ako sa sinabi ng mommy ni Sitalya. "A-ah wag naman po, ano ughm pwede naman suspension lang, wag naman po yong expell, grabe naman po yon. Nasaktan rin naman po ang kaibigan ko" nanlilisik naman na tumigin sa akin ang mag ina. Gracey tried to stop me pero seninyasan ko syang tumahimik! "I want to apologize for what she does but kicking her out is too much. I'm sorry for interrupting Dean but I hope you will listen to our plea" puno nang pasusumamo kong sabi. "Anong pinagsasabi mo dyan?" Bulong ni Gracey kaya sinipa ko sya sa paa. Siya na nga tong pinagtatanggol!jusko talaga tong babaeng to. "No I want her out. Look at the face on my daughter? The hair? I want her out!" Napapikit naman ako ng mariin, hindi alam kung anong gagawin para mapapayag tong mama nyang malandi na inakit ang daddy ko. Like mother like daughter e? "If you really wanna kick out my friend then go on and I want her daughter kick out of here too" walang emosyon kong sabi. Marahas naman akong nilingon ng mommy ni Sitalya. This b***h! "Do you think you can kick her out? Your just a mere student!" Puno ng pangiinsulto nyang sabi. "Anong po bang pinagmamalaki nyo? Na mayaman kayo? Na marami kayong pera? E sa panlalandi nyo lang naman galing yan e! May pamilya na nga pinatulan nyo pa!" Namilog naman ang mata nya sa sinabi ko. "Miss Santiago!" Saway sa akin ni Dean. "YOU DISRESPECTFUL CHILD! Ganyan ba ang mga pag-uugali ng mga estudyante dito? Walang mga mudo!?" Galit na galit na sabi ng mommy ni Sitalya. Sitalya on the other hand glared at me. "Hahahahhah. Kabit ka pala ho? Kaya pala ganyan din ang anak nyo" hinawakan ko ang braso ni Gracey nang kitang lilipad sana ang kamay ng mommy ni Sitalya. "How dare you to talk to me like that!" "How dare you to kabit kabit sa pamilya ng may family ha-ha-ha English, English pa kabit naman" natampal ko na lang ang noo dahil nagsisimula na naman si Gracey. "ENOUGH! You two should at least respect her" striktong sabi ni Dean. Napaayos naman ako ng upo. "Respect? Expelled na naman ako edi lubusin ko na para worth it" napalingon naman ako sa kanya na nanlalaki ang mata. "Hoy anong gagawin mo?" Kinakabahan kong sabi. May sapak pa naman to sa ulo kung ano pa ang gagawin. She gave me a meaningful look and smirk kaya pilit ko syang hinahatak pabalik sa pagkakaupo pero hindi sya nagpahila. Bubuka na sana ang bibig nya nang tinikom na naman nya ito at humakbang papalapit sa mag ina kaya na patayo na ako. "You know, the most important lesson that I've learned from my 18 years existence in this world..." Malamig na sabi ni Gracey. Napatigil naman ako sa paghatak sa kanya. Akala ko pagsasapakin nya ang mag ina, I sigh in content. She stood confidently like she's the queen and the two should bend down on her knees for respect. Ibang klase talaga tong babaeng to. "That the karma is real" pumitik pa sya at hinatak ako papalabas. Naabutan namin don si Dazer na nakaabang sa labas. He looks worried. "What happen?" Agad nyang tanong pero pati sya hinatak na rin ni Gracey. Natampal ko na lang ang noo ko dahil parang walang kahihiyan ang babaeng to sa katawan! Iwan ko talaga! "Pagkain pala! sandali! Hoy Abby! Bili mo nga kami pagkain! Hingi ka kay Blairey" napatikhim ako at walang nagawa kundi bigyan ng isang libo ang Abby ko no at sinabi ang pagkaing gusto kung ipabili. Dahil talaga sa babaeng to may cash ako dahil puro to pabili e!Kung ako lang, card lang sapat na at dahil sa kasigaan nito at kayabangan. Hay naku talaga! Kailangan talagang may barya ka. Hindi naman ako nagrereklamo dahil para ko na tong kapatid e! Mas gustuhin ko pa tong babaitang to na maging step sister kaysa doon sa demonyetang Sitalya na yon. Paano kaya yon? Pag namanhikan si George kay Sitalya sa bahay namin para hingin ang kamay, ang awkward siguro! Ay iwan! Akala mo naman mag tatagal ang dalawang yon! Knowing George? Baka masakal lang yong si Sitalya! Nga naman Love can conquer everything. Napakunot naman ang noo ko nang biglang binagsak ni Grace ang kanyang mukha sa table. Nagkatinginan pa kami ni Dazer pero bahala sya mabubuang talaga ako pag magtatama ang mata namin. "Blarey! Expelled ako! May mamatay talaga mamaya, paguwi" ma drama nyang sabi. Napalabi naman ako sa kanya. "Mag aabuloy na lang ako- ARAY!" Alma ko nang bigla nya lang akong hinampas. "Kita mo ang ugali ng babaeng to fafa..este Kuya Dazer ehe hahaha... napakasama! Sure ka na ba talaga-" "Pinagsasabi mo?" Pigil ko kay Sitalya. Patagilid ko namang tinignan si Dazer na naka cross arm lang halatang naaliw sa amin. Iwww "Wala! Pero seryoso kasi! Expelled na talaga ako! Ano ba yan!naghihirap pa akong mag-aral dahil malapit na summative test namin tapos expelled lang pala ako? Edi sana tumuloy na lang tayo sa pag ha-hiking!" Napakamot naman ako ng ulo sa kanya. Hindi ko talaga alam kong nag seryoso ba tong babaeng to o hindi! Puro kalokohan lang ang iniisip e! Iwan ko talaga! Bakit ko nga ba to naging kaibigan? "Paano na yan? Hindi na tayo same ng school?" Napa face palm na lang ako dabil doon lang sya nag-aalala. Jusko talaga! Iwan! Ipapa rehab ko kaya to? Para umayos-ayos ang logic sa buhay. "Edi aalis tayo dito sa school, hanap ng ibang school and viola! Same school parin" her face brighten because of what I've said. "Worth it pala ang pag sugod ko kay bruha e. Sugudin na naman!sugudin" sigaw nya. Napapatingin pa sa amin ang ibang estudyante. I gave apologetic looked si Dazer, he smiled a liitle at me, nagsasabing okay lang. I sigh at sinuway si Gracey. Para na talaga akong guardian ng babaeng to! Ang hirap! Kaya siguro palaging high blood ang tiya at tiyo nito dahil ang kulit ng batang to! Jusko. Pagkarating ng pagkain ay doon lang sya natahimik. Kain lang sya ng kain parang wala syang kasama. May sariling mundo na. I shook my head at kumain na lang. Pagkatapos naming kumain pinatawag na naman kaming dalawa sa office ni Dean, sasama na sana si Dazer pero pinigilan ko at sinabing mauna na nalang sa classroom para may magsabi sa instructor na pinatawag Kami sa office para di mapagalitan pag late na kami pumasok. "Sit down" seryong sabi ni Dean. Napalunok naman ako dahil halatang galit si Dean. "Sorry to tell you na kailangan naming e kick out kayong dalawa. What you acted earlier is bad, really bad" disappointed na sabi ni Dean. Walang emosyon lang na naka tingin sa kanya si Gracey kaya palihim ko syang sinipa. "You may now go" gumuho naman ang mundo ko sa sinabi ni Dean. Paano ako nadamay? Wala sa sarili akong lumabas sa office at tahimik na naglalakad sa hallway. Hindi ko alam kung bakit nadamay ako. Putcha! "FRIENDSHIP GOALS!" biglang sigaw ni Gracey. I sigh heavily dahil hindi ko talaga mabasa ang babaeng to! Parang walang pangarap! Iwan ko talaga! Imbes na bumalik pa sa classroom ay umuwi na lang kami ng condo at nag search nang school. Alangan namag tumambay kami dito at puro gala na rin. Dinamay ko na rin tong si Gracey na pinagalitan kanina ng tiya nya at ang ending inunahan pa nyang sabihin na lalayas na raw sya sa kanila. Ang rason nya, yon din daw naman ang ending. Nang nakita kong may magandang school sa may bulacan ay nag inquire na ako. Nagbabasa na rin ako sa page nila nang mga requirements. "Kain na Blaire!" Rinig kong sigaw ni Gracey. Bumaba naman ako sa kama at pumunta ng kitchen. Naabutan ko syang kumakain na. Napaka! Talaga! "May school akong nakita sa may Bulacan. Kailangan nating kunin ang papers natin sa school para maka pag enroll" I said habang nag Sasandok ng kanin. "Okay. Ang layo naman, nasa laguna tayo tapos sa Bulacan school natin. Hassle yon, sana nag ikot nalang tayo rito sa lugar na to" I sigh heavily. "Apartment tayo don tapos weekend uwi tayo dito" baliwala kong sabi. Napakamot naman sya ng ulo. "Mag t-take din ako ng scholarship doon para walang problema sa bayad" tumango naman ako sa kanya. Buong linggo, yon ang pinag kaabalahan naming dalawa. Bumalik rin kami sa school para sa requirements. May refund naman ako sa aking binayad na tuition dahil binayaran ko ng buo ang isang semester ko akala ko kasi doon ko matatapos ang pag-aaral ko, hindi pala. Nag take kami ng entrance exam at scholarship. Laking tuwa naming dalawa nang nakapasa kami kaya kinagabihan nag celebrate. Sa umaga naman ay nag ansabalutan naman kami para makalipat na ng condo. Apartment lang sana pero dahil naka pasa ako ng scholarship at wala akong bayarin, may allowance pa ako buwan, buwan, bumili na lang ako ng condo para less hassle. Pagkarating namin sa condo. Naglilinis agad si Gracey. Gusto kong tumulong pero hindi nya ako hinayaan, sya daw alipin ngayon dahil wala naman daw syang ambag sa unit na to kundi kagandahan nya lang daw. Hinayaan ko na lang at nag grocery kasya naman panoorin syang naglilinis at nag papa music para ma aliw daw sya. Pagkain lang ang pinamili ko. Yong mga personal hygiene naman dinala ko naman lahat kaya walang problema. Pina rentahan ko na rin ang condo ko sa laguna para may income ako buwan buwan kahit palaging naghuhulog si mommy sa bank account ko pero at least may business ako. Pagkauwi ko sa condo, malinis na ito at plakda na si Gracey sa sofa. Pagod na siguro. Kaya nagluto na lang ako bago sya ginising. "Sana ginising mo na lang ako para ako na magluto" maktol nya. Nag make face nalang ako sa kanya. "Pabibo ka masyado ngayon ah? Don't worry sa sumunod na araw ikaw na talaga" she rolled his eyes on me. "Sa lunes na pala tayo papasok" tumango tango naman sya sa akin habang ngumunguya. "New environment, new asshole!" Comento nya. Binato ko naman sya ng tissue. "Kapag ikaw nakipag-away ka na naman-" "Ano ka nanay ko? Tahimik, tahimik, tahimik" I rolled my eyes on her dahil hindi talaga nya gusto ang pagsasabihan sya. "Eh d-deliver pala yong uniform natin mamaya, tignan mo agad size mo para masauli agad" paalala ko sa kanya. "Okei. Kapag nakuha ko na allowance ko sa school ako na naman ang mag go-grocery" aangal sana ako nang dinuro nya ako ng tinidor. "Sabi ko nga" suko ko. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD