Chapter Twenty

2045 Words

Chapter Twenty   Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Pilit akong hinihigit ni Jea pero hindi ako umaalis o gumagalaw man lang.   “Sino ba ‘ya-“ hindi na natapos ni Camille ang tanong niya. “Come on, let’s go. Umalis na tayo,” si Camille at tinulungan si Jea sa pagpapaalis sa akin doon.   Lumihis kami ng landas. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nakasunod lang ako sa kung saan man ako hinihigit ng mga kaibigan ko.   “Let’s go and see a movie,” si Jea at sinabihan si Camille na umakyat kami sa cinema.   Binawi ko ang mga kamay kong hawak nila. “I can walk,” sabi ko at pinilit na matawa. Sabay tuloy silang napatingin sa akin. Bumuka ang bibig ni Jea par asana magsalita pero agad din naman niya iyong isinara. Itinikom ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD