Chapter Twelve
Keanu’s POV
The first time I saw her in the club, I was shocked. I see Jea every time I am here. Sometimes, Jea’s with Camille. But never with her.
Lia Amara Santillan.
“Oh, ‘di ba crush mo ‘yang kaibigan ni Jea?” bulong ni Daniel, best friend ko, nang makita ang tinitingnan ko.
Binalingan ko siya. “Huh?”
Pabirong siniko niya ako. “Asus! Akala mo hindi ko nahahalata na parati kang nakatingin diyan ah,”
“I don’t like her,” agad na sabi ko.
Tumawa lang si Daniel. Alam kong hindi siya naniniwala pero hindi ko na lang pinatulan. Nanatili ang tingin ko kay Lia na nakikipagtawanan kasama ang mga kaibigan niya. Parang ngayon ko lang siyang nakita na pumunta dito.
“Tama na ‘yan pre, baka matunaw,” bulong na naman ni Daniel sa tenga ko. Hindi ko n asana papansinin ulit nang magsalita na naman. “Baka gawin mo nang girlfriend ‘yan,”
Doon na ako natawa. “I don’t do girlfriends,” seryosong sabi ko sa kaniya.
“Alam ko,” agad na sabi niya. “Pero baka lang si Lia pa ang una mong maging girlfriend,”
Umiling ako. “That’s never gonna happen,”
Tumango-tango si Daniel. “Uh-huh. Okay, we’ll see,”
Tumayo ako para pumuntang smoking area. Inubos ko lang ang isang stick habang iniisip ang sinabi ni Daniel. Ako? Mag-gi-girlfriend?
I don’t do girlfriends simply because I don’t believe in love. I see love as something as f****d up as my life. I was not born because of love. I didn’t grew up with love. I didn’t get to experience any kind of love kaya hindi ko din kayang ibigay ang kahit na anong pagmamahal gaya nang nagagawa nang iba.
I am way different. I was raised thinking I am a burden. So, no. Love is not for me. I am broken beyond repair.
Nang maubos ko na ang isang stick ng sigarilyo ay bumalik na ako sa loob ng club. Habang naglalakad pabalik sa couch ay nakita kong tumayo na sina Jea, Camille, at Lia.
Lia looked sexy. I admit, I have a crush on her. I just did not want to admit it to Daniel. Ayaw ko kasing isipin niya na gusto kong maging girlfriend si Lia.
Nakita kong papunta silang dancefloor kaya sumunod ako. Habang naglalakad ay tinanong ko ang sarili ko kung bakit ba ako sumusunod sa kanila?
Hindi ko pa nasasagot ang tanong ko ay nakarating na kami ng dancefloor. Tumayo lang ako sa gilid kung saan kita ko pa sila. I watched the three of them danced. Maya-maya ay nawala na si Camille dahil may himigit sa kaniya. Nakita naman iyon ni Jea at hinayaan ya lang so I supposed kilala naman nila iyong kasama ni Camille.
Naiwang ang dalawa. Lia was dancing without minding her surroundings. She was too engrossed with dancing and I must say, she looked hot.
Lumapit ako doon. Hindi ko alam kung bakit lumapit ako basta iyon ang ginawa ko. Lia moved back. Hindi ko alam kung bakit pero nakatingin siya doon kay Jea at sa kasayaw nito. Maybe she’s not used to seeing that?
Hinawakan ko ang bewang niya. She turned to me with wide eyes. I smiled at her shocked face. She looked cute.
“Hi,” I greeted but she did not move or say anything. She just stared at me. “Come on, dance,” aya ko sa kaniya. Bakit ko sinabi ‘yon? It’s not like she’s like the other girls. Pero hindi ko na mabawi. Nasabi ko na eh.
I started dancing as I held her waist. Nagulat ako nang gumalaw ang katawan niya para sumabay sa pagsayaw ko.
Nakayuko ako para tingnan siya. Kahit madilim ay nakita ko ang mukha niya. She opened her eyes and put her arms on my both my shoulders. Napangiti ako nang tiningala niya ako at nagkatinginan kami. But what surprised me was when she smiled back.
Wow, she knows how to flirt. I did not expect that.
Lia danced with me. Nakaramdam ako ng init habang hawak ang bewang niya and so I pulled her closer to me. Nagulat ako ng tumalikod siya sa akin at mas inilapit din ang katawan niya. I felt something grow in between my legs. Napapikit ako ng mariin. I inhaled her scent. She smelled good.
I touched her stomach. Nanggigigil ako sa paghawk sa kaniya but I controlled myself. Baka masaktan ko siya.
Mas pinag-igihan ko pa ang pagsayaw. Lia moved with me. I groaned when her butt touched my buddy. Ibinaba ko ang ulo ko sa balikat niya. I smelled her nape. Doon na din ako nagbuga ng hangin. I want to kiss her nape but I stopped myself.
Ipinagpatuloy lang namin ang pagsayaw nnag nakatalikod siya sa akin. That made me lose my control. Hindi ko na talaga napigilang halikan siya sa leeg. It was just once. When she faced me, I saw her beautiful face. She looked so innocent.
She was looking up to me while I look down to her. I placed my forehead against hers. She closed her eyes while I stared at her lips.
It was so inviting. Para akong hinihigit nga labi niya papalapit. Inilapit ko ang labi ko sa kaniya. She opened her eyes at nagkatinginan kami. I can’t really stop myself and so I kissed her.
I felt her sigh. Ganoon din ako. It felt like I was out of breath and when we kissed, doon lang ako nakahinga ng maayos. She tasted alcohol but there was something sweet with her lips. It was so addicting. I was about to move my lips when she moved back.
Tinignan ko siya at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Umatras siya. “I’m sorry,” she said before she turned her back on me. Dali-dali siyang umalis at iniwan akong nakatanga.
Hindi agad ako nakabawi. I was too lost with our kiss that I did not get to run after her. Napailing na lang ako sa sarili ko nang matauhan. Gusto kong tanungin kung bakit ginawa iyon pero kailangan ko pa bang tanungin iyon? I like her, and I don’t regret that it happened.
Bumalik na lang ako sa couch. Nakita kong sinundan ako ng tingin ni Daniel. “Saan ka galing?” tanong niya nang maupo ako sa tabi niya.
“Diyan lang,” sagot ko na parang wala lang.
Uminom na lang ako at pinilit ang sarili na hindi muna alalahanin si Lia. Baka kasi mahalata ako ni Daniel.
“Here, shot mo,” si Naya. Naya is one of our friends. I am close with them. Well, parang lahat naman ka-close ko.
I am too friendly, I know that. Kaya alam ko din kung may gusto ang isang tao sa akin. I know Naya likes me pero hindi ko siya pinapatulan. I don’t mess with my friends. Pag kaibigan, kaibigan lang.
Hindi nagtagal ay kinailangan kong pumuntang restroom. Dumiretso na ako doon. I was about to turn to the hallway nang may bumunggo sa akin.
“Oh, shoot!” sabi noong nakabangga ko. Her voice sounded so familiar kaya tinignan ko siya habang hawak ko ang bewang niya. Muntikan na kasi siyang matumba. “I’m so sorry,”aniya. Doon ko siya nakilala. It was Lia.
“I’m sorry,” I said before I let go of her.
Hindi siya nagsalita at diretso lang ang tingin sa akin. I just stared back at her. She really looks so pretty. Hindi siya nakakasawang titigan. Hindi ko na alintana ang mga dumadaan papasok at paalis ng restroom kahit na alam kong ang babaeng nasa harap ko ay nahihiya na na pinagtitinginan kaming dalawa.
I got disappointed when she looked down. Aw, no more pretty sight to see.
I turned to Naya when she called my name. Galing pala siyang restroom din. I felt Lia looking at me pero pinanatili ko ang tingin ko kay Nay. Okay, woman. I’ll give you time to stare at me without the feeling of being awkward.
“Pabalika ka na bas a couch?” Naya asked. Lia turned to Naya and the latter looked at her from head to toe. Ah! This girl, really. She really thinks so high of herself!
Umiling ako kay Naya. “Hindi pa. I’ll go to the restroom,” sagot ko sa kaniya.
Hindi na ako nagulat nang umalis si Lia sa harap ko. “Excuse me,” aniya at dali-dali nang umalis.
Napailing na lang ako kay Naya at nilampasan siya. Dumiretso na ako sa restroom. Nang bumalik ako sa couch namin ay tinignan ko ang couch nina Lia. They were just talking. Maya-maya ay nagyakapan na. I shook my head with a smile. A drunk Lia is so cute. Nang makuntento na ako sa pagtingin sa kaniya ay bumalik na din naman ako sa couch namin.
Every time I see Lia on the university, nahuhuli ko palagi nag tingin niya sa akin. Minsan ay hindi ako nakatingin pero ramdam na ramdam ko ang tagos ng titig niya sa akin. At kapag ka siya naman ang hindi tumitingin ay malaya ko din siyang tinitingnan.
Kapag ka lumalabas namin kami at pumupunta ng club, hinahanap ko siya. It was another night at the club nang maisipan nina Brad na doon maupo sa couch nina Jea. Konti lang kasi sila doon at inaya din naman kami nina Xiara.
Hinanap ko si Lia sa paligid dahil akala ko ay magkasama sila nina Jea pweo hindi ko siya makita. Baka papunta pa lang.
Pero lumalim lang ang gabi ay hindi pa din siya dumadating. Almost all of my friends went to the dancefloor. Konti na lang ang naiwan sa couch. Even Daniel left. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para lumapit kina Jea. I just really want to ask kung nasaan si Lia.
“Hey,” tawag ko sa dalawa na nag-uusap. “Excuse me, but can I just ask something?” tanong ko.
Nagkatinginan pa silang dalawa. “Yeah, sure,” ani Jea nang bumaling sa akin at tumango.
Para akong tanga na nakatayo sa harap nila at sila naman ay nakatingala sa akin habang hinihintay ang tanong ko. “Uh… where’s Lia? Pupunta pa ba siya dito?” I just realized that I was so dumb with my question right after I asked them.
Sino pa ang pupunta nang ganitong oras?
Umiling si Jea. “Hindi na, eh,” aniya. “Ayaw kasi niyang sumama kahit anong pilit namin,”
Tumango lang ako. Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit ayaw niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Bakit kailangan ko pang itanong iyon?
Nagpasalamat na lang ako sa dalawa bago bumalik sa pwesto ko pero maya-maya ay tinawag nila ako.
“Hindi ka naman sasayaw, ‘di ba?” tanong ni Camille.
Umiling ako. “I’m not in the mood,” sagot ko naman.
Nagkatinginan ang dalawa pero hindi na din nagsalita. Nag-usap na lang kami ng tungkol sa university at minsan-minsan ay nagkukwento sila nang tungkol kay Lia kahit na hindi naman ako nagtatanong. Hindi ko din namalayan na nakikinig pala ako sa mga kwento nila.
Nang may klase na noong mga sumunod na araw ay nakita ko sila sa cafeteria. Sobrang ingay nila noong tinawag nila ang pangalan ni Lia. Kanina ko pa din naman nakikit si Lia pero hindi ko siya masyadong tinitignan dahil halatang nagtatago siya.
Kanino ba siya nagtatago? Sa akin?
Tawanan lang nina Jea at Camille ang pumapasok sa utak ko kahit na nagsasalita naman si Naya sa gilid ko. What are they laughing about? Bakit napipikon na si Lia sa kanila?
Noong nagdesisyon nang umalis ang grupo ay tumayo kami. We passed by their table. Kausap ko si Dino tungkol sa isang basketball game nang matapat kami sa table nina Lia. I looked at her. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. I smiled at her cuteness before I turned to Jea and Camille na nakatingin pala sa amin. I nodded at the two.
“Hi, Keanu!” sabay na bati noong dalawa at kumaway pa.
I turned to Lia again. Ngumiti ulit ako sa kaniya bago dumiretso na nang labas.