Chapter Twenty Nine Hindi ko na mabilang kung ilang shots na ang nainom ko. Hindi pa naman ako lasing dahil alam ko pa ang mga nangyayari sa paligid ko. I am very aware of everything. I turned to Jea na nagsasalin lang nang alak sa shot glass niya. “Rest room lang ako,” paalam ko sa kaniya. Agad naman siyang bumaling sa akin bago inilapag ang bote nang alak sa mesa. “Samahan na kita,” ani Jea. Agad naman akong umiling sa kaniya. “No need, ako an kaya ko naman na,” sabi ko sa kaniya pero ayaw niya talagang papigil at nauna pang tumayo kesa sa akin. “Tara na,” aniya at nagpaalam kay Camille. Wala na din akong nagawa nang hawakan na ako ni Jea at hinigit papuntang restroom. When we arrived, dumiretso agad ako sa bakanteng cubicle. I peed and then went out. Pumalit sa

