Chapter Forty One We had so much fun that night. Nakalimutan ko na kung gaano pala kasaya ang ganito. Matagal din kasi kaming hindi na nakapag ganito. I felt bad dahil ako palagi ang umaayaw. Mabuti na lang at pumayag ako ngayon. Nang matulog na ang dalawang kasama ko ay kinuha ko ang cellphone ko. Sobrnag dami kong text messages galing kay Keanu. Mayroon din siyang mga missed calls. Agad akong tumayo at lumabas ng balcony ni Camille habang dina-dial ang number ni Keanu. I cleared my throat. “Hey,” bati ko nang sinagot na niya ang tawag. “Ang tagal mo,” aniya sa isang mahinang boses. “I waited for your reply pero ang tagal talaga. I can’t sleep,” he said. “I’m sorry. We just had so much to talk about,” I told him. “Sleep already. It’s late,” “I can’t sleep. I m

