Chapter Fifty One Keanu’s POV I was shock to see Amara’s name on my phone when I heard it rang. Nasa bahay ako ng parents ko nang tumawag siya. Agad ko din namang sinagot iyon. She wanted to go to my pad. I know what I should do kaya nang maibaba ko na ang tawag ay nagpaalam na ako kay Mama na aalis ako. “Hoy, nandito nga ako, tapos ikaw naman ang aalis,” reklamo ni Ate Samantha nang marinig ang sinabi ko. Kaming tatlo lang ang nandito dahil wala pa si Papa. Hindi pa nakakauwi. “I have to meet a friend. Wala kasi siyang kasama,” sabi ko kay Ate. Nilingon niya ako galing sa pagluluto. Magkatabi sila ni Mama ngayon. Her eyes narrowed at me. “Sinong friend ‘yan?” pang-asar na tanong niya. I glared at her while Mama just laughed. “Hayaan mo na ang kapatid mo,” ani M

