Chapter Thirty Four Nang lumalim pa ang gabi ay medyo naparami na ang inom ko. Mabuti na lang din at nakalimutan na nilang iyong usapan namin ni Roy kanina pero si Jea ay parang hindi pa. Maya’t maya ang bulong niya nang tungkol doon. “Ayaw mo talaga kay Roy?” tanong niya. “Gwapo naman siya ah,” Umiling ako. “Bakit type mo?” tanong ko sa kaniya. Her eyes widened as she moved away from me. “No, of course not!” aniya na napalakas kaya mabilis niyang tinakpan ang bibig niya. I pursed my lips and nodded at her. “Okay, if you say so,” sabi ko sa kaniya at nginitian siya. Jea rolled her eyes at me. Uminom na lang siya sa beer na hawak niya pero noong nakita niyang nagsasalin ng shots si Keanu sa mga basong nasa mesa ay agad siyang kumuha doon at uminom. “Ah! Better!”

