Chapter Forty Three Nag-usap kami ni Jea nang makaalis si Roy. “Okay ka lang ba?” tanong ko kay Jea na nagsasalin na naman ng alak. “Tama na nga muna ‘yan. Nagmamadali ka bang malasing?” tanong ko sa kaniya. Natawa siya at inilapag na ang bote ng alak sa mesa. “I’m fine, Lia,” she said. “And yes, nagmamadali akong malasing. I already want to dance now,” Napailing na lang ako at tinanggap ang shotglass na ibinigay niya sa akin. Sabay kaming uminom na dalawa at ibinaba na ang baso sa mesa sa harap namin. “Kayong dalawa, hinay-hinay lang,” saway na naman ni Camille na katabi ko. Jea rolled her eyes. “Just let us be, Camille,” Jea said. “Diyan ka lang muna kay Brad,” Natawa ako. “Don’t worry, Cam, babantayan ko si Jea,” sabi ko ulit kay Camille. “Jea, please,"

