BINIGYAN ni Sona si Asula ng isang kwentas kung saan iyon ang magtatago sa totoong pagkato at anyo nito. Kapag sa ibang mga nilalang ang tingin kay Asula ay parang isang napakagandang diwata, pero ang totoo ay isa pala siyang tao. Iyon lamang ang tanging paraan na naisip nito na makatutulong sa misyon nila. Galing pa iyon sa namayapa nitong kaibigan, kaya mahigpit na ipinagbilin ni Sona sa kanya na ingatan niya iyon at huwag na huwag wawalain. Nangako naman si Asula at ngumiti sa babaeng diwata ng mga alikabok. “Dito na muna kayo kumain ng tanghalian. Mamaya natin sisimulan ang paghahanap kay lupa,” anyaya sa kanila ng babae. “Sige, salamat Sona.” sagot naman ni Wave sabay tango rito. Binigyan na muna sila nito ng almusal at saka inilibot sa harden nto at pamamahay. Malapad naman an

