NAPATINGIN si Asula sa labas ng kanyang silid. Makulimlim ang langit at mukhang nagbabadyang umulan. Tulog na si Evan sa silid nito, pero siya, hindi makatulog sa oras na ‘yon. May kung anong bumabagabag sa kanyang isipan na hindi naman niya mawari kung ano ‘yon. Wala nga ba siyang maalala o parte iyon ng kanyang nakaraan na nakalimutan lamang niya? Hanggang sa mga panahon na ‘yon ay nagtataka pa rin siya kung paano siya nakatakas mula sa kanyang mahigpit na amo. Maging ang kanyang ibang mga kasamahan. Kung tatanungin naman niya ang mga ito ay wala rin sa kanyang masagot dahil wala rin ang mga ito na maalala. Sabi sa kanila ng doctor, wala silang maalala dahil dala iyon at epekto ng trauma na naranasan nila sa kamay ng kanilang mahigpit at walang awang amo. Noong una, iyon ang pinaniwa

