MAIGING TINITIGAN ni Haring Araw sina Wave, Apolo at Sun. Nagsalita ang Hari sa pangunguna ng paghahatol. "Kabilin-bilinan ng kaharian na kung ano ang inyong misyon ay inyong marapat na gagawin. Ngunit hindi ko aakalaing ito ang mangyayari at kahahantungan ng misyong ibinigay ko sa inyo." Gumawi ang paningin nito sa anak na lalaking si Sun. "At ikaw Sun, hindi ko aakalaing iyo itong gagawin. Isa itong kahihiyan sa akin bilang hari. Gumagawa ka ng hakbang na wala sa misyon mo. Ang masama pa'y sinugod mo si Wave na walang kalaban-laban at kaalam-alam. Hindi lang iyon. . . sumali ka sa misyon na wala ka namang kinalaman. Nakikita ko ang poot at inggit sa iyong puso. . . naghahangad ka sa isang kapangyarihan. Hindi ko ito mapapalagpas kahit na anak pa kita. Marapat lamang na harapin mo ang

