HINDI na kumibo pa si Asula nang pakainin siya ni Wave matapos magluto ang dalawang sina Evan at Sona. pagkatapos nilang kumain at mag-usap sa kanilang mga plano ay mabilis silang nagpahinga. Nagplano sila kung paano nila mahahanap si Lupa, at kung saan ito matatagpuan. May alam ng mga lugar si Sona, na pwede nilang puntahan kinabukasan. Magpapahinga na muna sila ng araw na iyon, at ang maghanda sa kung anoman ang naghihintay sa kanilang paglalakbay. Aminin man nila pero so brang hirap ng kanilang haharapin, kaya hindi madaling makipagsapalaran at ang biglaan na lamang pagsugod nang wala man lamang pagpaplano. Gabi na nang magising si Asula, hindi siya makatulog nang maayos. Nakita niya si Wave na malayo ang tingin, nakatayo ito sa bintana at nakatanaw sa labas. Napahinga siya nang malal

