Nagpalakad-lakad si Blue sa salas, kagat ang kaniyang ibabang labi habang nakahalumbaba. So, tama nga ang hula niyang natakasan ni Paige ang Vegafria na ‘yon. Nagsumbong kaya ito sa pulisya? Pero kung nagsuplong ito sa alagad ng batas, dapat ay malaking issue na ‘yon ngayon. And staring at her on the TV, pangiti-ngiti pa ito. Kung tutuusin kayang-kaya nitong ipakulong ang lalaking ‘yon with her fame and money, tiyak uunahin pa ito ng alagad ng batas. Ano nga kayang kaugnayan ni Paige sa Vegafria na ‘yon? Pabagsak na naupo sa couch si Blue at bumuntong hininga. Bakit pa ba niya ‘yon poproblemahin? She has her own problema. Atleast, ngayong bumalik na si Paige, makukuha na rin niya ang kabuoang bayad ni Madam Clarita. But it also means… not seeing Frost ever again. Alam naman niya

