"Hey..." Mabilis na napapihit si Paige paharap sa nagsalitang si Elias. Hindi niya napansing nakapasok na pala ito sa cabin. "Kanina ka pa diyan?" Kunot ang noong lumapit ito sa kaniya. Kaagad winasiwas ni Paige ang mga kamay sa unahan. "Hindi! Kalalabas ko lang ng kwarto. I was looking for you,” pagdadahilan niya. "Umalis na yong pinsan mo?" Tumatangong huminto at tumayo ito sa harapan niya saka ngumiti. “Yeah. So, are you gonna stay?” Pinilit niya ring ngumiti. “I’ll stay for a day.” “Isang araw lang?” Kunot noong niyakap siya nito sa beywang. “Make it two days. Please?” Umiirap na iniyakap naman niya ang mga braso sa leeg nito. “Okay… okay fine.” “Good! So, we have to get ready.” “Bakit? Saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong niya’t tiningala ang binata. “Sa beach. I told yo

