NAGAWANG magbawi ni Blue ng tingin nang maglakad papalapit si Frost sa kanila. At hindi nakatingin sa binata— ramdam niya nang huminto at tumayo ito sa kaniyang tabi. Pagkatapos nang nangyari sa hotel, kinabukasan ay nagising na lang si Blue na wala na si Frost sa kaniyang tabi. At dalawang araw na ngang hindi nagpaparamdam. Ang assistant nito ang nag-uupdate sa kaniya ng schedule ng binata, na ikinainis ni Blue. Kaya imbes na sana imemessage niya si Frost para humingi ng sorry sa ginawa niyang kapilyahan rito, huwag na lang! "We're baking, Anak!” Excited na tugon ni Catalina sa anak. “Kinuwento ko rito kay Paige 'yong paborito nating cup cake. Hindi ba nasa bakasyon 'yong baker?" "Yes, Mom. Actually I went there yesteday,” kaswal na sabi naman ni Frost. “Hindi pa raw alam no'ng ass

