Dahan-dahang humakbang si Blue sa tatlong baitang na hagdanang bamboo paakyat sa Jacuzzi kung saan nakalublob na si Frost. Sumandal ito at matiim na tumitig sa kaniya nang huminto siya sa harapan nito. Napapalibutan sila ng scented candle na nakasindi sa loob ng garapon. Ang langit ay puno ng mga bituin at bilog na bilog ang buwan. “Take it off…” senswal na utos nito sa kaniya. Without breaking their eye contact, hinawakan ni Blue ang tali ng suot na puting robe at hinila ‘yon dahilan upang bahagyang masilip ang hubad niyang katawan. She could see the burning desire in his eyes. Kaya naman nagkaroon ng lakas ng loob si Blue na gawin ang nais niya. Sure, she didn’t know how to tease a man. Ito lang naman ang lalaking dumaan sa buhay niya. But seeing his reaction everytime they’ll

