8PM sila nakarating sa Santa Barbara. Dahil hindi pa naghahapunan, napagpasyahan ni Paige at Elias na kumain muna bago pumunta sa club. Sa isang seafood restaurant na malapit sa dalampasigan nila napiling mag-dine in. “This place is nice…” puri ni Paige habang iniikot ang tingin sa malaking kubo na kinaroroonan nila. “Palagi ka rito?” Masaya ang ambiance. May tumutugtog na acoustic band gitna at pwedeng mag-request ng kanta ang mga costumer na naroon. “Madalas ako rito pero hindi para mag-unwind tulad ngayon. Dito kasi sa ang daungan ng mga bangkang nagdadala sa mga turista at lokal papunta sa mga karatig na isla. And I told with the nature of my job, kung saan-saan ako nadedestinong lugar.” “Oh…” amaze at patango-tangong usal ni Paige. Kaya pala kanina sa gilid ng dock at sa may pam

