IBINABA ni Blueberly si Melba sa terminal kung saan pwede itong sumakay ng taxi pauwi. Si Mamshie naman ay nagpahatid sa subdivision ni Madam. May pag-uusapan raw na importante ang dalawa. Nang pasimple niyang usisain kung tungkol saan— tikom ang bibig ni Mamshie. Mula no'ng bumalik si Blue sa pagpapanggap bilang si Paige, hindi pa ulit sila nagkita ni Madam Clarita. At imbes na two hundred fifty thousand ang i-transfer nito sa bank account niya na siyang dapat kabuoan sa napag-usapan nila ay kalahati lang ipinasok nitong pera. Ang katwiran ni Madam, ibibigay raw ang kalahati pa— oras na matapos ang trabaho niya. Hindi na lang nag-reklamo si Blueberly kahit kung tutuusin dapat nakuha na niya ang kabuoang bayad dahil nga sa biglaang pag-balik ni Paige. And thinking about Madam Cla

