NAGPALIPAT-LIPAT ang nagtatakang tingin ng kaherang si Stella kay Blue na awang ang labi habang namimilog ang mga matang tulala kay Frost na matiim naman ang tingin sa dalaga. “Magkakilala po kayo, Ma’am?” Tila natatauhang mabilis na nag-iwas ng tingin at sunod-sunod na umiling si Blue. “H-Hindi, ah! Hindi ko kilala ‘yan!” Natatarantang aniya sabay pinihit ang doorknob. Subalit bago pa siya makapasok sa loob ng opisina narinig ni Blue ang pagtili ni Stella. “Ay, Sir! Sandaleeee!” Lumingon si Blue at namilog ang kaniyang mga mata nang makitang tinalon ni Frost ang counter top papasok sa cashier. Hindi pa man nakakabawi si Blue, inilang hakbang lang siya ng binata at hinawakan sa braso. Napasinghap siya. “Not so fast, Lady,” anito. “L-Let me go…” piniksi ni Blue ang braso. But

