Ibinaling ni Frost ang tingin sa ibang direksyon kaya dumaplis lang ang halik ni Jenna sa kaniyang pisngi. Aminado si Frost na masama ang loob at galit siya sa nalamang pagtataksil ni Paige sa kaniya. Pero kahit kitang-kita na ng dalawang mata niya ebidensya— hindi pa rin pala niya kayang halikan na at balikan ang affair nila ni Jenna na matagal ng tinapos ni Frost. Sa katunayan nga siya lang rin nahihirapan sa malamig na pagtratong ginagawa niya kay Paige. He missed her so damn much. Mabigat sa dibdib niya na makita ang lungkot sa mga mata nito. Kamuntikan na nga niyang kalimutan ang galit rito nang sabihin nitong na-mi-missed na siya nito. He couldn’t just gave in to her. He wants to her to realized that it’s her lost. ‘Her lost? Paano kung maging cold siya ulit sa ‘yo?’ Bulong n

