Ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil hinihintay niya palaging makauwi si Frost galing sa abalang mga guesting at paghahanda sa kasal kaya nanlalalim at nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, idagdag pang dahil sa stress ay nagka-acne break out siya. Yes, she looked horrible. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Pinababayaan mo na ang sarili mo, Blue!" Sermon nitong may halong pag-aalala. "I'm fine, Dy..." "Fine? But for me, you didn't look fine! Aba, ilang linggo lang tayong hindi nagkita, namayat ka na! Ginugutom ka ba ng hinayupak na Frost na 'yan! My ghad!" "Of course not. Blame it to my hormones. Masyado akong picky ngayon sa pagkain. Madalas rin akong magsuka lately..." which is sabi ng doctor ay normal naman. May mga early pregnancy nga raw na, bumaba ang timban

