"Are you okay?" Nagtatakang tanong ni Elias pagkasakay ni Paige sa kotse nito. Lumingon siya sa binata at marahang tumango. "Of course. Why?" "Nothing... you looked uneasy." Bumalong ang pag-aalala sa mukha nito nang sabihin 'yon. "May problema ba?" Meron! Someone was taking my place! And she's f*****g looked exactly like me! Paano nangyari 'yon? Malakas ang kutob ni Paige na babaeng nakita niya sa TV na nagpapanggap bilang siya ang sumagot sa telepono ni Mamshie. Siguradong may kinalaman ang Mommy niya sa mga ganapang ito. Pero ang tanong sino ang babaeng ‘yon? Bakit sila magkamukhang-magkamukha? "Lucinda?" Pukaw ni Elias sa atensyon niya. Natauhan si Paige at pinilit na ngumiti. She will deal with woman soon. I-enjoy na lang muna niya ang ilang araw na kasama si Elias.

