BRENT POV Nandito akong mag isa sa balcony umiinom. Iniisip ko ang mga bilis ng pangyayari ngayon habang lumalagok ako ng alak. Naalala ko noong bata pa ako, ang pino problema ko lang ay yung mga laruan na binibili sa akin ng mga magulang ko. Yung mga laruan na hindi nila binibili na talagang iniiyak ko at yung iba kong gusto na ipinag kakait nila sa akin. Subalit ngayong matanda na ako. Halos magbago na ang ihip ng hangin. Ang sakit sakit lang isipin na halos magpatong patong na ang mga problema ko. Sa office, ang dami kong kailangan na habuling deadlines. Yung mga reports na mali mali at mga permits at tax na kailangan kong bayaran. Lahat ng ito pa lang ay halos sukong suko na ako. Tapos samahan pa ng mga problema ko rito sa bahay. Ang pag dating muli ni Richard sa buhay naming mag as

