ANALYN POV "Tayong dalawa lang ang nandito. Kung may gusto kang kainin, pwedeng pwede kong ihanda. Wag kang mag alala, hinding hindi kita isusumbong kay sir Brent o kay Madam." Napatingin ako sa kanya tapos muli ko na namang nalanghap yung niluto niya sa akin na pork steak. Kinuha ko yung tinidor at tsaka ko ito tinikman. At in fairness naman, halos muntikan ko nang makalimutan ang pangalan ko dahil sa sarap ng niluto niyang ito. Ang lambot din nito at malinamnam sa bibig. Napatingin muli ako kay Richard at nagtaka ako kung bakit ang sarap sarap niyang magluto kahit na parang first time niya lang mag luto ng ganitong klase ng putahe. "Naks! Hindi ka pa nag sasalita pero alam kong nasasarapan ka na sa niluto ko," nakangiting sabi pa niya. Gusto ko sanang mag sinungaling pero ang sara

