Chapter 30 - Karisha

1466 Words

Third Person Point of View Naghahanda na si Andrea para pumasok sa trabaho. Kahapon buong araw na hindi nagparamdam si Rooke na ipinagtataka niya. Hindi niya naman ito magawang tawagan baka kasi busy ito at maistorbo niya pa. Hindi niya rin alam kung susunduin ba siya nito ngayong araw. Hindi rin kasi ito nagtetext sa kaniya. Baka busy nga lang ito kaya ganun. Sinusoot na niya ang kaniyang rubber shoes ng tumunog ang cellphone niya. Hindi na muna niya itinuloy ang pagsuot sa sapatos at kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Napangiti siya ng makita ang pangalan ni Rooke sa screen. Walang pag-aalinlangan niyang sinagot iyon. "Babe! Bakit ngayon ka lang tumawag? Susunduin mo ba ako ngayon?" Tuloy tuloy na tanong ni Andrea. "So good to hear your voice again Andrea.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD