Chapter 2

1312 Words
Chapter 2 Hindi magkandamayaw sa pagpili ang grupo naroong isukat isa isa ang damit at maglakad na tila mga modelong naglalabanan sa isang fashion show. Puno ng masasayang tawanan ang loob ng kwarto ni Roma kung saan naroon ang grupo nang makarinig sila ng katok mula sa pintuan. “Roma anak pameryendahin mo muna ang mga kaibigan mo naggayak ako ng chicken sandwich at juice nakahain na sa mesa,” boses ni Mommy Cheska mula sa labas. “Opo mommy lalabas na po,” sagot ni Roma sabay senyas sa grupo na tigilan na muna ang kalokohan at pamimili para makapag meryenda. “Baka naman mawili kami dito Roma abay manghihiram lang kami ng damit me pameryenda pa,” komento ni Alexy na abala sa pagtutupi ng mga damit na kanilang ipinagsusukat. “Pwede naman,” sagot ni Roma na natatawa. “Naku huwag mo kaming binibiro at baka mapasubo ka maubos ang itinatago mong chocolates,” banta ni Aizen sabay kindat sa mga kaibigan. “Naku Aizen tigilan mo ko nakita ko yang singkit mong mata halina kayo at lalamig ang juice mamaya ninyo na balikan ang nagustuhan ninyo,” untag ni Roma sa mga kaibigan. Paglabas ng kwarto ay akala mo mga matimtimang birhen ang magkakaibigan na mayuming mayumi sa pagkilos hindi napigilan ni Alex yang magkomento ng pabulong. “Napakaplastik ninyo sa eksena ninyo ha ano at bigla kayong nag transform sa palagay ninyo ba hindi naririnig ni Mommy Cheska ingay at ngisngisan natin sa kwarto at akala mo kayo si Maria Clara sa kayumian ano yon ako lang ang magaslaw?” mahinang sita ni Alexy na tila sinisita ng lihim ang mga kaibigan wala siyang kaalam alam na kanina pa sa likod niya si Mommy Cheska at nakikinig sa sermon niya sa mga kaibigan. Hindi naman mapigil nila Aizen at Berna ang magpigil ng ngiti dahil walang kaalam alam si Alexy na nasa likod lang nito si Mommy Cheska. “Ano pigil pa more sige mamaya kapag me sumakit ang tiyan at umamoy kayong dalawa lang ang pagbibintangan namin ni Roma ha,” banta pa ni Alexy. Tipid na ngiti pa rin ang tugon ni Aizen at Berna. “Wow pinanindigan talaga ang dalagang pilipina yeah,” komento ni Alexy sabay ipit ng buhok sa teka na karaniwang ginagawa kapag naghaharutan sila pagiging dalagang pilipina. Tawang tawa naman si Roma sa gilid sa gaslawan ng tatlo. “Tingnan nyo si Roma nagpapakatotoo tawa pa more Roma at hirap na hirap na yung dalawa na magpakamayumi,” pang iinis pa ni Alexy sa dalawa. “Mahiyain yata talaga silang dalawa eh si Roma lang yata yung tawa ng tawa ng malakas sa kwarto,” sagot ni Mommy Cheska mula sa likod ni Alexy na nagpaigtad dito. Hiyang hiya si Alexy kay Mommy Cheska na kanina pa pala naroon at nakikinig sa kanya. “Sorry po pasensya na po kung magulo po kami….ay ako pala hindi na po mauulit masaya lang po kami kaya medyo nakalikha ng ingay,” hindi magkandatutong paliwanag ni Alexy. Hindi mapigil nila Aizen at Berna na mamula sa pagpigil ng tawa sa reaksyon ni Alexy na nagkakandabulol sa pagpapaliwanag ng hindi na mapigil ang pagbunghalit ng tawa ay yumuko ang mga ito at sa ilalim ng mesa nagngisngisan. “Naku huwag kang mag alala okay lang iyon ako rin naman ay nagdaan sa ganyang stage at naiintindihan ko na kapag nagkasama ang magkakabarkada ay talagang kasayahan ang karaniwan na nangingibabaw kaya huwag ka ng masyadong mag alala,” nakangiting tugon ni Mommy Cheska. Nakahinga ng maluwag si Alexys a sagot ni Mommy Cheska ngunit paglingon niya kina Aizen at Berna at tila gusto niyang batukan ang mga ito sa ginagawa. “Baka naman lumubog na kayo diyan sa ilalim ng mesa abay wala kaming ipapalit sa inyo umayos na kayo at alam na ni Mommy Cheska na maingay tayo kanina sa loob ng kwarto huwag na kayong masyadong magpanggap,” saway ni Alexy sa dalawa na pigil na pigil ang hagalpak sa ilalim ng mesa. “Maiwan ko na muna kayo diyan at mukhang nahihiya si Aizen at Berna sa akin,”singit ni Mommy Cheska sa harutan ng magkakaibigan. Masayang kumain ang grupo sa pagitan ng mga biruan ay nagseryoso naman bigla si Aizen. “Basta ipangako ninyo na kahit na magkakaiba ang school na pupuntahan natin ay hindi pa rin tayo makakalimot sa isa’t isa ha,” wika ni Aizen. “Saan mo nga ba balak mag aral at anong course?” tanong ni Roma kay Aizen. “Balak kong kumuha ng MedTech at since maganda ang record ng Wesleyan University pagdating sa  mga courses na nakalinya sa medicine doon ako balak i-enrol ni mommy,” tugon ni Aizen. “Ikaw Berna anong balak mong kuhaning course?” tanong muli ni Roma. “Ako alam mo naman na ang hilig ko ay fashion kaya balak kong kumuha ng course na related sa fashion designing pero wala pa akong school na napipili,” sagot ni Berna. “Ako I’m still undecided pa rin what to pursue gusto kong maging interior designer but I also need to learn how to manage yung business naming kaya isa pa sa pinagpipilian ko ay ang BS Management,” paliwanag ni Roma. “Ikaw Lexy anong course na balak mong kunin?” tanong ni Aizen. “Gusto ko sana kumuha ng course na related sa music like Bachelor of Music kaso pang mayaman lang iyon at sa Manila mayroong magandang school para doon kaya yung malapit sa katotohanan ang papangarapin ko malamang na kumuha ako ng Education Major in Music,” pabirong sagot ni Alexy. “Okay lang iyon atleast nakalinya pa rin sa hilig mong umawit ang kurso na kukuhanin mo di ba sabi nga masarap gawin ang isang bagay na passion mo talaga at pansinin ninyo lahat ng mga kusong pinagpipilian natin has something to do with the passion na  gusto natin sa buhay,” komento ni Roma. “You got it right Roma Baby feeling ko mas magiging masaya at fulfilled tayo sa hinaharap kapag yung gusto natin ang magiging linya ng trabaho natin di ba basta kapag magpapakasal kayo o merong special occasion sa akin na kayo magpapagawa ng damit or kung hindi afford ang magpagawa magrent na lang kayo sa akin…suportahan in short,” natatawang bilin ni Berna. “Eh ako pano ninyo ako isu-support sa clinic na pagtatrabahuhan ko kayo magpapamedical ganun ayoko naming pangarapin na  magkasakit kayo noh,” maarteng sagot ni Aizen. Tawanan ang grupo sa naisip ni Aizen na katwiran naisip nila na may point naman ito sa sagot niya. “Basta ha walang isnaban kahit na magkahiwalay pa tayo sa mga career na ipu-push natin ang mahalaga hindi natin makakalimutan ang isa’t isa at kapag may time ay magsasama sama pa rin tayo kagaya nito kahit na tiwing semestral break lang,” paalala niRoma. “Deal or no deal?” tanong ni Alexy na hinihingi ang kumpirmasyon ng mga kaibigan “Deal!” sabay sabay na sagot ng mga ito. Matapos makapagmeryenda ay bumalik na sa silid ni Roma ang grupo at iginayak na ang damit na kanilang hihiramin para sa graduation ball maya maya ay dumating na ang mga magulang ni Aizen para sunduin ito kaya’t nagpaalam na sila kay Mommy Cheska at nagpasalamat. “Mommy Cheska aalis na po kami maraming salamat po sa masarap na meryenda at pasensya na po kung medyo naingayan kayo sa amin masyado lang pong masaya sa pagpili ng hihiraming damit ke Roma,” wika ni Alexy ng nagpaalam na dito bago lumabas ng gate. “Naku ikaw talaga Lexy para kang iba ang tagal na ninyong mag kakaibigan at kilalang kilala ko na kayo kaya wala kang dapat na ipag alala sige na gagabihin na kayo,” tugon ni Mommy Cheska. “Salamat po,” paalam ng tatlo bago tuluyang umalis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD