AN: Pasensya na po kung matagal hindi ko po talaga ito maisingit dahil sa pagod na rin galing work, hindi ko na magawang magsulat. Pero masaya po ako sa lahat ng comment niyo.☺ --------------- Nagising ako dahil sa may narinig akong tunog, parang may tumatawag sa cellphone. Gumalaw ako at ganon rin itong katabi ko at napatingin sa akin, hinagkan pa ako ni Cadmus sa noo at bumangon ito. Kinuha niya ang phone na nasa table dahil 'yon ang tumutunog, naghihintay naman ako para makinig kung sino 'yung tumatawag. "Yes." Narinig ko na sagot ni Cadmus, hindi ko alam kung sino ang kausap niya o ano ang pinag-uusapan nila. "Pupunta ako ngayon." Matapos nito patayin ang phone 'ay humarap siya sa akin, nakaupo na ako habang balot ng kumot ang katawan ko at napansin ko sa may bintana na umag

