Wilder's P.O.V. "Ano?!" malakas kong sabi dahil sa ibinalita sa akin ni aling Modta. Dali- dali akong nagmaneho patungo sa kinaroroonan ni aling Modta at naabutan ko siyang umiiyak. Malalaki ang hakbang kong lumapit sa kaniya. "Wilder patawarin mo ako.... kung hindi ko sana siya inutusang bumili ng sibuyas, nandito pa sana siya. Nagtaka na ako kung bakit ilang oras na ang lumipas ay wala pa siya kaya napasilip ako sa kalsada at nakita ko ang nagkalat na sibuyas sa lapag. Kinabahan na ako no'n at nagpatulong ako sa mga kawani ng barangay para makita ang CCTV footage sa poste dito at nakita kong dinukot ng isang lalaki si Monica..." lumuluhang sambit ni aling Modta. Nakuyom ko ang kamao ko at pagkatapos ay nagmamadali akong umalis. Habang nagmamameneho ako ay hindi ko maiwasang kabahan d

