Monica's P.O.V. Matapos ang halos isang linggo kong hindi pagpasok sa store, sa wakas ay nakapasok na rin ako. Sa mga araw na iyon, walang humpay kung bayuhin ako ni Wilder. Mula umaga hanggang gabi, minsan pati sa madaling araw ay nangungulit siyang pagbigyan. Nasisipa at nasasampal ko na nga siya dahil sa pagiging agresibo niya sa kama. "Hi, ma'am Monica! Nice to see you again!" sambit ni Jessa nang makita niya ako. "Hello, Jessa. Kumusta ka naman dito?" tanong ko nang makapasok ako sa loob. "Ayos lang po, ma'am masaya naman dahil iyong sahod mo, binayad din sa akin ni sir Wilder. Naging double pay ako!" masayang sabi niya. Napangiti ako. "Mabuti naman kung ganoon. Mas nakakagana magtrabaho kapag malaki ang sahod." Tumawa si Jessa. "Sobrang saya ma'am kaya huwag ka pong pumasok," s

