Nagising ako dahil sa bahagyang ingay na nagagawa ni Nana sa paglalakad sa loob ng kwarto. It seems kakatapos lamang niyang maligo at basa pa ang buhok niya ng lumabas ng banyo. Sure naman akong sa loob ng banyo siya nagbihis, dahil nakagawian na niya iyon. Sana lang walang mata si Wolf sa loob. My gosh Wolf, hindi mo naman siguro bubusuhan ang Nana ko noh? “Good morning, Na,” inaantok kong bati sa kanya at muling isiniksik ang katawan ko kay TD2. Saglit akong nagising kagabi nang maramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa kama. Hindi ako sigurado kong tama ba ang narinig ko, pero sabi niya dumating daw si Pops. My Goshhhh!!!! Dumating si Pops!!!! Napabalikwas ako ng bangon sa naalala. “Nana? Is Pops here?” Paninigurado kong tanong sa kanya. “Oo. Maligo ka na, para makababa na at

