Chapter 7 - Lexi

1933 Words
So, who is Askal? Actually, hindi ko siya kilala. I have never seen him. Although alam kong lalaki siya since I have already heard his voice. Di ko lang sure if that was really his voice. He is a long-time stalker. Yes, a stalker. My stalker. Second year high school yata ako noong sinimulan niya akong I-stalk. Magkaibigan na kami nina Jazz noon ng unang dumating sa bahay namin ang mga gifts from anonymous sender, kaya akala ko, galing ang mga yun kay Jazz. The first gifts were subtle. Bigla bigla na lang na may darating na delivery sa bahay for me ng mga chocolates, cakes at kung ano ano pang pastries. And I was just too happy to receive gifts from my newfound friends, lalo na at yung mga cakes and pastries na pinapadala sa akin ay mga high quality and made-to-order talaga. Hindi galing sa Red Ribbon or Goldilocks. Kaya nagtaka ako isang araw na tumatambay kami sa bahay ay nagtanong siya sa akin kung saan ba daw binili ang cakes na isinerve ni Nana sa amin. “Biatch, diba sayo to galing?” “From me?” Nagtataka niyang balik tanong. “Why would I ask you if ako ang nagpadala?” Oo nga naman. “Biatch, hindi siya magandang biro ha,” sa kabila nang kabang nararamdaman ko, ay umaasa pa rin ako na nagbibiro lang siya. “It’s really not from me,” seryuso niyang sabi. Tuluyan na akong nanlamig at namutla sa sinabi niya. Hindi talaga niya ako jino-joke. “Biatch, akala ko ikaw ang nagpapadala sa akin ng mga regalo,” pag-amin ko sa kanya. “Mga regalo? Like marami?” Tanong naman ni Yui na tinanguan ko. “How many?” Tanong si Simon. “Many, I lost count already.” “What kind of gifts?” “Chocolates, cakes, cookies. Mga ganoon. And every weekend silang idini-deliver dito sa bahay.” “Did you not check who the sender is?” Umiling lang ako sa tanong ni Yui. “Akala ko talaga galing kay Jazz. Since kaming dalawa lang naman ang grabi ang sweet tooth sa atin.” Which is true. Si Simon kasi may allergy sa chocolates. Tapos si Yui naman lactose intolerance. Kaya kami lang talaga ni Jazz ang pumapapak ng mga sweets madalas. “My gosh, girlfriend, my stalker ka!” “Hoy!” Hindi ko mapigilang lalong kabahan sa sinabi ni Simon. “Maybe you should stop accepting gifts from unknown sender from now on. Baka mamaya niyan, may halong lason pala ang mga cakes.” Saka ko lamang naisip ang possibility ng sinabi ni Jazz. What if my small dosage ng lason nga ang mga cakes at chocolates na pinapadala sa akin. Kinilabutan ako sa naisip. Kaya naman after that day, sinabihan ko ang mga maids na huwag tumanggap ng kahit na anong delivery para sa akin lalo na kung unknown ang sender. Hindi lamang iilang beses na muling may nagdeliver ng mga pagkain para sa akin na hindi ko tinanggap. Nagtaka naman sina moms at Nana, kaya sinabi ko lang sa kanila na meron akong makulit na suitor sa school na binasted ko na pero hindi pa rin sumusuko. Tinanggap naman nila ang dahilan ko, kaya pati sila ay hindi na rin tinatanggap ang mga regalo galing sa hindi nagpapakilalang sender. WOLF Nagtaka ako ng mabasa ko ang isang iMessage notifcation isang araw. Wala akong natandaang nakasave sa contacts ko na ang nakapangalan ay Wolf. Nakakunot ang noo na binuksan at binasa ko ang message. Wolf: Baby, why are you not accepting my gifts? Baby? Sino ito at bakit niya ako tinatawag na baby. I tap the contact icon to see the contact details ng sender, pero walang nakalagay. Walang email or phone number. It's simply Wolf. Wolf: I know you are reading my message now. Oo nga pala, pag naka on ang data or naka-connect sa internet ang iPhone, nagrereflect sa sender kung nabasa ba ng receiver ang message niya as long as both are using iPhone. Kaya agad kong dinisconnect ang data at wifi ng phone ko. Wolf: It will not matter if you are connected to the internet or not, baby. I will still be able to contact you. Lumaki ang mga mata ko sa nabasa. Me: Who are you? Napalunok ako ng magsend pa rin ang message na para bang naka-connect pa rin ako sa internet. I sent a group iMessage to my friends. Me: Is this blue, or is this green? Jazz: It’s green. Yui: Green? Simon: 🟢 It’s green. Meaning nagsend siya as a regular sms and not as an iMessage. Wolf: Sending you gifts… Accept it. Me: WHO ARE YOU? Blue pa rin ang kulay ng message ko sa kanya. Wolf: Accept my gifts, baby. Sinubukan ko siyang i Facetime. “Who are you?” Kinakabahan kong tanong ng I-accept niya ang video call, which should not be possible since naka off data and wifi pa rin ako. But I could not see anyone on the other end of the call. Tanging screen with Wolf icon lang din ang nakita ko. “Accept my gifts, baby,” boses ng lalaki ang narinig ko but I am unsure if he is using a voice changer or not. “Who are you?” Muli kong tanong dahil hindi pa rin niya ako sinasagot. “You don’t need to know who I am… Not now at least… But accept my gifts, or the people who deliver them will be the ones to receive my wrath if you don’t.” “Gagô ka ba? Bakit ko tatanggapin, eh hindi naman kita kilala,” napamura ako sa kaba at tinapos na ang tawag. Oh my gosh. I have a stalker. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kina moms at sa mga kaibigan ko ang tungkol sa kanya. Pagkatapos ng ilang oras nga ay may dumating na naman na delivery. This time may kasama ng flowers ang cakes at chocolates. Pero hindi ko pa rin tinanggap. Kahit napakaganda pa ng bouquet of yellow roses at mahal ang chocolates, at kahit pa miss ko nang kainin yung cake na hanggang ngayon ay hindi namin alam kung saan binibili. Wolf: You sent it back again, baby. I don’t like it when you send my gifts back. 😠 Wala pang isang oras nang umalis ang delivery guy ay nagmessage na naman ulit ito. Me: Pedophile ka ba??? Thirteen years old lang ako!!! Matagal bago siya nag reply. Wolf: That’s why you do not have to know who I am now… We will meet when you're of age… I am very good at waiting… But I don’t like being defied. Juice colored!!! Agad akong nagtungo sa home office ni pops at pinagda-dial ang mga landline numbers sa bahay ng mga kaibigan ko. “Biatches!!!” Sigaw ko sa kanila through our conference call. “Girlfriend, why are we on landline?” “You can do a group call on a landline?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yui. “Lolo Gandolf, how do you transfer the call to my room?” Narinig kong tanong ni Jazz sa old butler nila sa Toheyama Mansion. “Wait for a while, I’ll transfer to my room.” “Nasaan ba ang cellphone mo at sa telephone ka tumawag?” “How did you even do this call?” Magkasunod na tanong ni Simon at Yui habang hinihintay namin na mag-join ulit sa call si Jazz. “I will tell you why pagka join ni Jazz. And there is an ‘add call icon’ in the phone biatch, you just need to press that and dial the other landline number.” “How did you even know our landline number? Hindi ko nga alam na nag-function pa pala to.” “We have directory, biatch,” sagot ko kay Simon. “Directory?” Napaungol na lang ako sa mga tanong niya. My gosh. “It’s a book with all the contacts of all customers of the telephone company.” “A book? There is a book like that?” Lerd, hindi ko na alam kung kanino ako ma-stress, sa stalker ko or dito sa mga friends kong hindi pa ata nakakita ng directory. “What book are we talking about?” Biglang singit ni Jazz. Mukhang nakalipat na sa kwarto niya. “We’re not talking about any book!” Jesaz, stress na ako. “Chill your pussycat, girlfriend.” Natawa naman sina Jazz at Yui sa sinabi ni Simon. “Simon Ivanov, umamin ka. Ikaw ba ang nag-stalk sa akin?” “What? Bakit naman kita I-stalk. Girlfriend, sa ating dalawa, mas may possibility pa na ikaw ang mangstalk sa akin noh… Ang hilig mo kayang manuod at magbasa ng BL stories.” “True,” natatawang sang-ayon ni Jazz. “Wait what?… You have a stalker?” “Oh my gosh, biatch,” rinig ko ang pagsinghap ni Yui. “Have you confirmed it?” “Yes, kaya nga ako dito sa landline nakikipag-usap sa inyo eh,” I said. Then I told them about how I decided not to accept the delivery na dumarating para sa akin after learning it was not from any of them. And about my stalker Wolf. “So you can still contact him even if you’re offline? That’s should be impossible lalo na kung walang number ang contact.” “I know right,” sang-ayon ko sa sinabi ni Yui. “And it only happens kapag siya ang kino-contact ko. I tried it with your contact info, and it doesn’t work.” “Girlfriend, I think na hack yang phone mo. Baka kung ano anong links kasi ang pinipindot mo. Kakapanood mo yan ng hentai.” “Hoy gagâ, wala akong links na pinipindot. Saka naka VPN ako, may popup blockers yun.” “Lexi! You really watch hentai?” Naeskandalong tanong ni Jazz. “Pwedi ba, huwag nating pag-usapan yung mga pinapanood ko. I’m a big girl na. Saka censored naman yun. Square squares lang nakikita… Yung stalker ko ang pag-usapan natin.” “Eww.” “Wow ha… Maka eww talaga yung dalawang may dugong Hapon. Sisihin nyo kababayan nyo na gumagawa noon, para wala akong napapanood.” Nagtawanan naman silang tatlo sa kabilang linya. “But seriously, biatch. I think your phone is hacked. Maybe you should ask Tita to buy you a new phone,” biglang seryusong suggest ni Jazz. “But what should I tell her? Baka magtanong siya bakit ako magpapabili, eh kakabili lang nito.” “Easy girlfriend. Just ‘accidentally’ break it.” “Yeah. And don’t even try to transfer the apps and everything to the new phone. Baka may app ka na virus pala, and that’s giving your stalker the means to access your phone.” Napatango naman ako sa sinabi ni Yui na para bang nakikita nila ako. “And to make sure na rin, I will ask Tea if he could find something about that stalker of yours. But don’t do anything harsh for now, ha… Baliw baliwan ka pa naman sometimes… Ang galing mo pa namang mag-annoy ng tao. You might anger that stalker at baka kung ano pa ang gawin sa iyo.” “And just in case, girlfriend, I can always pick you up papunta sa school since on the way ka naman.” “Thank you, biatches,” hindi ko mapigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. In fairness sa mga friendship kong ito, they always have my back. And of course I will do the same for them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD