I suddenly felt a sense of Déjà vu nang makita ko sina Analyn and friends, minus April, na naghihintay sa tapat ng CAS building. Malaki ang duda ko na ako ang hinihintay nila nang bigla akong ituro ni Lou ng makita kaming paparating. Pwedi naman nila kaming hintayin na makarating sa kinatatayuan nila, pero agad silang lumapit sa amin. “Lex, gusto kang makausap ni April,” agad niyang sabi ng makalapit na nagpakunot ng noo ko. Tumingin ako sa likod nila at sa surroundings to search for April. “Nasa Room-310 siya,” sabi ni Lou. See? Déjà vu? Parang naranasan ko na to dati. More specifically, ganitong ganito ang nangyari kay Jazz. “Siya ang gustong makipag-usap sa akin, pero akong pupunta sa kanya?” Nakatikwas ang kilay na tanong ko sa kanila My gosh. I heard my line before, in English

