Maagang maaga pa lang nang marinig ko ang tunog ng kumukulong tubig sa takure. Ang banayad na patak ng ulan sa labas ay parang musika sa katahimikan ng apartment. Bumangon ako mula sa sofa kung saan ako nakatulog kagabi at dumiretso sa kusina. Nandoon si Nana Agring, suot ang kanyang floral na duster, naghahanda ng kape. "Nana, dumating na ba si Lexi?" tanong ko habang hinihila ang isa sa mga upuan. Tumingin siya sa akin, halatang nag-aalala rin. "Hindi pa, Alexa. Sigurado ka bang tama ang ginagawa mo sa pagbibigay ng masyadong kalayaan sa anak mo? Lagi na lamang siyang late na umuuwi nitong nagdaang araw. Hindi mo ba naiisip na baka may masamang nangyayari sa kanya?” I took a deep breath, trying to organize my thoughts. "Nana, gusto ko lang maranasan niya ang kalayaang hindi ko

