Clay
Nakita ko si Abby at ang best friend niya na papunta na sa lake at naka black two piece ito. Lutang na lutang ang kagandahan at ang ka sexyhan nito. Nakalugay ang mahabang buhok niya at nililipad lipad ito ng hangin habang papalapit sa lake.
Nakitang kong napatingin ito saakin kaya agad ko itong sinamaan ng tingin. “ humanda ka Abby mamayang gabi saakin.“
Abby
Lumapit saakin si JM.
“ Abby napaka ganda mo talaga at napaka sexy! Puri ni JM saakin
“ salamat JM hindi ba mukang malaswa naiilang kasi ako hindi ako sanay magsuot ng two piece.“
“ Abby wag kang mailang ikaw ang pinaka maganda at sexy dito lahat nga ng lalaki nakatulala sayo.“
Ikaw talaga JM napaka bolero mo. Sabay hampas ko kay JM.
“Abby pwede ba akong manligaw sayo? Tanong ni JM habang nag lalakad kami sa lake.
“ah eh kasi wala pa muna sa isip ko ang mag boyfriend or ligaw marami pa kasi akong pangarap sa mga magulang ko. Pero pwede naman muna tayo maging magkaibigan eh.
hindi ito kumibo at parang nalungkot.
Tara swimming tayo JM, yaya ko dito para mawala ang lungkot sa muka.
“ ng swiswiming kami ni JM nang biglang tinawag ako ni Clay.
“Abby can I talk you for a minute?“
Ano nanaman kaya gusto nito.
“ Bakit ano kelangan mo? “ sumasakit yung paa ko na na injured paki check naman oh.“
“ ha?! Oh sige tara dun tayo umupo tayo sa loob i check natin.“
Clay
Naiinis ako nakikitang nag haharutan si JM at Abby sa lake! Kaya naka isip ako ng paraan. Tinawag ko si Abby at sinabi kong i check yung paa ko at sumasakit.Pag dating namin sa loob pinaupo ako nito at chineck ang aking paa
“ Abby bakit ganyan ang suot mo“?! Hindi mo dapat pinapa kita ang katawan mo sa ibang lalake. Ako lang dapat ang nakakakita niyan hanggat may kontrata ka saakin.“
“ eh ano naman ang dapat kong suotin gown eh mg swi swimming. Sagot ni Abby.
“ girl tara na dun tayo sa firepit mg lalaro daw tayo ng truth or dare.“ yaya ni Rachel kay abby.
“ Sir clay kayo din po tara na“
Tumango lang ako. Tinignan ako ni Abby na parang ng hihingi ng permiso.
Tinanguan ko ito at sumama na ito kay Rachel.
Abby
Pag dating namin sa fire pit. Naka upo pabilog sila JM at mga kaibigan nito.
“Abby dito ka sa tabi ko yaya ni JM saakin? Ah ok tara girl upo na tayo. Yinaya ko si Rachel para naman hindi lang ako ang katabi ni JM.
MAYA maya ay dumating si Clay. Niyaya naman ito ni Jessica na umupo sa tabi niya.
“ baby tara dito ka na umupo sa tabi ko.“ umupo naman si clay sa tabi ni Jessica.
“ ok since nandito na lahat paikutin na natin ang bote sabi ni JM.
UNANG ikot ng bote tumapat kay Jessica. Truth or Dare
“ truth. Sagot ni jessica.
“jessica mahal mo pa ba si Clay? Tanong nI JM?
“ Oo naman hindi naman nawala pagmamahal ko kay Clay. Sagot ni jessica. Hiyawan naman ang mga tao mulik ibalik nayan! Hindi naman kumikibo si Clay.
Parang may tumarak naman sa puso ko ng marinig ko yun. “ bakit parang nasasaktan ako? Bulong ko sa sarili ko.
Inikot naman ni Jessica ang bote at tumapat ito kay JM.
“JM truth or Dare?
“ Dare sagot ni JM.
“ ok halikan mo ang pinaka magandang babae dito para sayo. Ang dami namang babae na parang ng papa cute at ng aantay mapili.
Lumingon saakin si JM AT tinanong ako ok lang ba Abby halikan kita sa pisngi ? Tanong ni JM
Tinignan ko Si Clay at patuloy lang ito sa pag lagok ng beer niya at hindi ito nakatingin saamin.
“ah oh sige dare naman yan wala tayo magagawa.
Sabay halik ni JM sa pisngi ko. Kita ko nanaman si Clay na masama ang tingin sa akin. Habang ang mga kaibigan nila ay tinutukso kami ni JM. Pinaikot ulit ni JM ang bote at tumapat ito kay Clay
Ohhhhh sigaw ng mga kaibigan niya! “ truth or dare mr MVp tanong ni JM. “ TRUTH !
“ ANG DAYA mo umiiwas sa challenge! Osige sige ok lang yan!
“ question! May iba ka nabang napupusuan kaya hindi ka pa nakikipag balikan kay Jessica?“ tanong ni JM
Uminom muna ito ng alak bago sumagot. “ YES“ may nagugustuhan na akong iba. Sagot ni Clay sabay sulyap saakin habang umiinom ng beer.
Naku wag kang assuming Abby. Masasaktan ka lang! Sabi ko sa sarili ko. Si Jessica naman ay tumayo at ng walk out.
“ oh bro sino naman yung girl kilala ba namin! Usisa ni JM.
“ Bro isang tanong lang walang follow up question! Ok iikot ko na ang bote sabi ni Clay.
Tumapat naman ito saakin.
Ooooohhh!! Sigawan nanaman ang mga mgkakaibigan
Truth or Dare Abby ? Tanong ni Clay
“ Ah truth nalang din.“
Ok! Meron ka bang nagugustuhan na lalaki dito?
Ano bayan tanong mo Clay!
Just answer it. Answer it! Answer it !Kantiyaw ng mga mg kakaibigan
“ OO meron“
Ehem Ehem! Sagot ni JM. AKO ba yan Abby. Ngumiti lang ako at hindi kumibo. Si Clay namn ay tumayo at sinabing kukuha muna daw siya ng beer.