Bharbie's point of view. "Paul. Hindi pa ito ang time para bigyan niyo siya ng welcome surprise kaya tumabi ka sa dadaanan namin," malamig kong sabi. "Wow! May welcome surprise pala para sa mga transferee?" tuwang tuwa na sabi ni Danica. Sinamaan ko siya ng tingin para manahimik siya. "Ano ka ba naman, Bharb! Ngayon mo pa ba kami pagbabawalan? Matagal na namin inantay na may mapagtripan ulit. Biyaya na iyan sa amin dahil sa sobrang boring." sabi ni Vince pero bago pa sila makalapit sa babaeng nasa likod ko agad ko silang sinamaan ng tingin. "Ako ang nauna sa transferee na ito kaya dapat lang siguro na ako ang magbigay ng welcome surprise para sa kanya. Naiintindihan niyo ba?" madiin na sabi ko. "Hindi ba pwedeng pagtulungan nalang natin 'yan, Bharb?" tanong ni Clark. Ngumisi ako sa k

