Bharbie's point of view. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napapungas ako, kinusot-kusot ang mata, at dahan-dahang umupo. Tahimik pa ang buong kwarto, pero mas tahimik ang katabi ko. Nakahiga s'ya sa gilid, nakatagilid pa sa direksyong kinaroroonan ko, mahinang humihinga, para bang wala s'yang ibang problema sa mundo. Grabe, nakatulog s'yang ganon-ganoon lang, samantalang ako halos hindi mapakali kagabi. Ayoko na s'yang gambalain kaya tumayo ako nang dahan-dahan, ingat na ingat para huwag gumawa ng ingay. Pinihit ko ang door knob, at thank God, hindi na s'ya naka-lock. Binuksan ko 'yon nang dahan-dahan, saka ako sumilip muli kay Zach. Hindi naman s'ya nagising kaya lumabas na ako kaagad. Pagkapasok sa hallway, agad kong narinig ang ingay ng mga estudyante

