PAHINA 05

711 Words
Yasmine's POV Isang araw ang nakalipas nang lumusong kami ng aking pinsan sa ulan at iyon nga tinamaan siya ng sakit Gumayak at inayos ko ang mga gamit ko ng maaga sapagkat balak kong bisitahin si Khloe, ang kulit kasi nung babaeng iyon kahit ako nalang sana ang lumusong sa ulan ... Nakarating ako agad sa bahay nila at nagpaalam sa aking tiya at tiyo Kaya ngayon naman ay narito nako, kinapa ko ang noo ng aking pinsan at agad na inalis sapagkat ang init nito na para bang termos Inilabas ko ang thermometer at iniipit ito sa kaniyang kili-kili upang makuha ang temperatura nito Gosh it's 39.7, tatawagin ko na sana sila tita upang idala siya sa Hospital ngunit pinigilan ako nito I hold her hand, kahit na mainit ito "Khloe, you need to see a doctor now" "Malala na lagnat mo, and sabi ni tita pabalik-balik pa raw" umiling lamang ang naging tugon nito At bigla kong naalala na takot nga pala ito sa karayom, I was worried looking at my cousin na nakahiga sa kanyang higaan "Get well soon, Khloe" I smiled at inilabas ang porridge sa aking bag na aking inihanda para sa kanya "Here" sambit ko rito at inilagay sa bedside table ang porridge "Kainin mo ito ah, I will call yaya to feed you kasi kailangan ko ng pumunta sa school" ginulo ko ang buhok nito at inayos ang aking gamit bago lumabas sa kanyang silid Nakarating ako sa baba at agad kong hinanap ang kasambahay nila rito na si Ate Flores upang pakainin ng ginawa kong lugaw "Ate Flores, may ibinigay po akong lugaw kay Khloe please do feed her for me. Thanks!" sambit ko rito at hindi ko na hinintay pa ang maisasagot nito bago tumakbo palabas Nakarating ako ng ilang minuto sa paaralan at may sampung minuto akong natitira bago makarating sa klase Sa pagtakbo ko dahil sa lumalakad na oras ay maraming tao ang nagkukumpulan, nakisingit na rin ako at napahinga nalang ng malalim kung sino ang pinagkakaguluhan Isa siyang matangkad na babae na maangas pumorma, isang white t-shirt na may kasamang black jacket at itim na maong pants Wait, it seems like nakita ko na siya Sari-saring kumento ang aking naririnig sa aking mga kapwa estudyante habang ako ay patuloy na nakikipagsiksikan hanggang sa mapunta na ako sa gitna kung saan naroroon ang matangkad na babae at mga kaibigan nitong lalake "Excuse me? I guess you're my no. 1 fan?" she came closer to my face, at ilang pagitan na lamang ay maaaring magdikit ang aming mga labi Sinuri ko ito, at akin ngang naalala ang pangyayari na naganap sa mall noon Itinulak ko ito ng bahagya at inayos ang aking sarili saka nagkibit-balikat ngunit ang mayabang nitong ngiti ay nakaguhit pa rin sa kaniyang mga labi Itinaas ko ang aking isang kilay "Who are you? Sorry, but I am not" nagbalak akong umalis ngunit agad akong nahila nito sa aking pulsuhan Aba kung gaano ito kaangas pumorma, ganoon rin pala kaangas kumilos Ang mga nagkukumpulang estudyante ay nanonood lamang sa amin at ang iba ay nagbubulungan na para bang kinaaawaan ako "What?" iritado kong tanong rito saka ako tumingin sa aking relo at tanging tatlong minuto na lamang ang natitira kong oras bago tumunog ang kampana Isinawalang-bahala ko ang mga estudyante sa paligid namin dahil sa mas mahalaga ang natitira kong oras She smirked kasabay nang pagbabago ng timpla ng mukha nito "Saan ka pupunta?" may halong pagbabanta ito kaya naman idinako ko ang aking tingin sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin What I've done? "Sa c-classroom? Kaya pl-please let me g-go" nahihiya nako sa mga harap ng maraming estudyante, at ang iba rito ay mahahalata mong naiinggit at nag seselos ngunit mayroon ring mga natatakot Gosh, bakit ba ako nauutal? At ano bang kamalasan ito?! Sigaw ng aking isipan "What if I don't want? Seems you're stammering?" bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako nito, at hindi katulad ng kanina ay mas mahinahon na ang boses nito "And congrats, you caught my attention" Umakto ako na para bang nandidiri rito "Congrats? I'm not even glad for it" sinubukan kong muli lumayo ngunit naging sanhi ito upang mas lalo kaming magkadikit Kasabay non ang pagtunog ng kampana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD