Sylvia's POV
Kinaumagahan bumangon akong masakit ang ulo at napansin kong mahimbing na natutulog si Calix sa tabi ko.
'Anong nangyari kagabi?'
Napasapo na lang ako ng ulo ng maalala ko ang nangyari kahapon. Pumunta pala ako sa mini bar nitong bahay. Nahalata kaya niya? I'm totally dead to him dahil hindi ko na siya naasikaso kahapon. Hindi ko na din siya nadalhan ng pagkain sa library.
Napasabunot naman ako sa buhok ko ng wala sa oras. Agad din akong pumasok ng banyo para maligo na at magdesisyon na samahan sila Manang na mag-asikaso ng agahan.
Pagkatapos kong maligo ay tulog padin si Calix. Bago ako lumabas ay tinitigan ko ito bago lumabas.
'bakit napakagwapo mo kapag tulog pero kapag gising ka nakakainis ka. Pwede kayang matulog ka na lang. Hayssss' napabulong na lang ako tsaka lumabas.
Dumiretso na ako sa kusina at nakita ko sila Manang na naghuhugas ng manok.
"Good Morning Manang, Ano po lulutuin niyo?"
"Ahh, Ito, magluluto ang ako ng Adobo, tulog pa ba ang Don?" tanong nito.
"Opo, mahimbing pa po ang tulog niya. " ngiti ko dito.
"Aba, mukhang nagkabaliktad ata kayo. Lasing ka kasi kahapon." ngiti din nito.
"Po? paano niyo po nalaman na lasing ako kahapon?" takang tanong ko dahil wala naman akong pinagsabihan sa kanila kahapon.
"Eh, naglinis kasi ako dun kahapon, utos ng Don, baka daw kasi naaalikabukan na ang mga alak. Pagpasok ko eh nakita kong hindi nakaayos ang isang wine doon. Eh hindi ko naman napansin na lasing si Don kaya naisip kita. Pagcheck ko sa kwarto niyo ay tulog ka na. Ginising pa kita kagabi kaso mukhang lasing ka talaga." natatawang kwento nito.
"Hala Manang, nakakahiya. Hindi naman ganun kadami ang nainom ko pero ang lakas po pala ng tama nung ininom ko po kahapon. hahaha." natatawa kong sabi sa kanya.
"Di bale, hindi naman alam ng Don dahil ang mamahaling ininom mo ay hindi naman dumidikit ang amoy sa balat unless na lang kung mukhang bangag ka haha. Eh sa itsura mo kahapon ay mukhang kahapon ka lang ulit nakainom." natatawang sabi nito.
"Ay Naku Manang, Totoo po yan pero buti naman po kung ganun pero nakakahiya parin po hahaha." natatawa ko pading sabi dahil 1st time kong si Manang ang nakaalam na manginginom ako.
"Oh, siya, gayatin mo na yung dapat gayatin, kumuha ka ng patatas, bawang at sibuyas dahil si Susan ay nag-aasikaso ng gagamitin namin mamaya dahil kami ay magsisimba." dagdag nito habang naglilinis ng manok.
Nang marinig kong magsisimba sila ay napalapit ako kay Manang.
"Magsisimba kayo? Pwede po bang sumama?" lapit ko sa kanya.
"Paalam ka muna sa Don para payagan ka niya." tingin nito sa akin.
"Kailangan pa po ba iyon?"
"Oo kailangan. kung hindi, kami ang malalagot." malungkot na sabi nito.
"Sige po, mamaya, magpapaalam ako." ngiti ko dito kahit hindi ko gusto ang pagpapaalam kay Calix.
Tinulungan ko na si Manang na magluto at ako narin nagtimpla ng lulutuin na adobong manok.
Napagdesisyonan na naming hindi sabihin kay Calix na ako ang nagluto ng Adobo dahil baka hindi ko na naman kayanin ang desisyon nito sa buhay.
Sinundo ko na si Calix sa kwarto at nakita ko itong nakaupo na sa wheelchair at papunta ng banyo kaya agad akong lumapit sa kanya para tulungan siyang makapunta doon.
Hindi naman ito nagsalita. Tahimik lang ito na habang tumatagal ay mukhang masasanay ata ako sa katahimikan niya.
"Hintayin na kita dito sa labas, kakain na tayo ng agahan." ngiti ko dito bago niya isara ang pinto. Tumango lang ito bilang sagot.
Almost 25 minutes din siya sa Cr bago bumukas ang pinto. Nakabihis na rin ito, hinintay ko na rin siyang mag-ayos at ng matapos siya ay dumiretso na kami sa dining.
Nilapag na nila Manang ang niluto namin kanina at gaya ng napag-usapan ay tahimik lang kaming kumakain ng biglang magsalita si Calix.
"Manang, sino ang nagluto ng ulam ngayon?" tanong nito kaya nagkatinginan kami ni Manang.
"Ahm,, A-ako po Don." sabi nito.
"Ahh, Masarap kasi ang luto mong Adobo ngayon, hindi maalat, hindi rin matamis kundi sakto lang. Ganto ang iluto mo bukas para sa pananghalian ko. Ihatid mo sa akin ito Slyvia bukas ng tanghali." seryosong sabi nito sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya at tsaka kay Manang.
"Ahh,, Sige, sige." ngiti ko dito.
Tsaka lang din ngumiti sa akin si Manang sabay kindat na mas lalo ko naman ikinangiti.
"Ahmmm, Calix, pwede ba akong magpaalam ngayong araw?"
"Hindi pwede." mabilis na sagot nito.
"Sa simbahan naman ako pupunta, nabanggit kasi ni Manang na magsisimba sila ngayong araw kaya kung sana payagan mo ako na makasama sa kanila." pilit ko dito.
Imbes na sumagot sa akin ay tumingin ito kay Manang ng makahulugan at hinuhuli ko ang tingin niya pero hindi ko makita kung ano iniisip niya dahil seryoso lang mukha nito.
"Ahh, Don, pupunta kasi kami ni Susan sa simbahan ngayon, eh nabanggit ko kasi kay Madam Sylvia na pupunta kami doon pagkatapos naming kumain. Eh gusto niyang sumama kaya sabi ko magpaalam sa iyo kung papayagan mo." mapait na ngiti ni Manang habang nakatingin sa akin at titingin kay Calix.
Tumingin naman ito sa akin bago magsalita.
"Sasama ka basta kasama ako." sabi nito bago kumain ulit.
Sa sobrang saya ko ay napatayo ako bigla at napayakap sa kanya ng wala sa oras.
"Yes, thank you, thank you." yakap ko dito at muntik ko pang mahalikan dahil sa sobrang saya ko. Buti na lang napigilan ko sarili ko dahil pareho kaming nagulat sa ginawa ko.
"S-sorry. hihihi." bitaw ko sa kanya bago tuluyang lumapit kay Manang. " Manang, sasama ako sa inyo. Yehey." talon ko habang hawak ko kamay ni Manang.
"Oh siya, kumain ka na ng maayos." pigil nito sa akin na agad ko naman binalikan ang pagkain kong hindi pa natatapos plus na nagustuhan pa ni Calix ang luto ko kaya masaya akong kumakain ngayon.
Ganun pala ang feeling ng may nakakaappreciate sa luto mo.
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na ako para sa pagpunta ng simbahan. Buti na lang ay may mga damit na pang-alis dito sa bahay ni Calix at fit naman sa akin ang mga ito. Naabutan ko na lang kasi ang mga damit na ito simula ng magising ako dito. Hindi ko din naman kasi akalain na didiretso ako dito sa bahay niya, kung alam ko lang sana nadala ko ang ibang gamit ko sa bahay.
Sana ay nasa bahay pa ang mga gamit ko at hindi pinatapon ni Dad.
Pumili lang ako ng floral dress na above the knee at tsaka nagmake-up ng light lang. Instead na magtali ako ng buhok ay nagheadband na lang ako at nakalugay lang.
Pagkatapos kong mag-ayos ay tsaka ko dinala si Calix sa Cr para siya na ang mag-asikaso sa sarili niya. Ayaw niya kasi akong nakikielam sa mga gawain niya sa sarili niya. Pagkadala ko sa kanya ay tsaka na ako pumunta kila Manang.
Pareho na lang silang nakahanda kaya si Calix na lang ang hinihintay namin.
Nasa sala kami lahat ng makita kong palabas na si Calix ay tumayo na ako kaagad para alalayan ito.
Nakarating sa simbahan at buti na lang ay hindi pa ito nagsisimula. First time ko lang na malaman ang religion ni Calix. Every Sunday kaya siya nagsisimba? Ako kasi, aminado ako na hindi na simula nung nawala si Mommy sa bahay. Si Mommy lang kasi ang nag-aasikaso sa amin nila Ate at Kuya.
Hayyssss nakakamiss din palang magsimba.
Tulad ng dati ay pumunta muna kami sa pintuan ng simbahan ay may pinahid lang kami sa aming noo tsaka naghanap ng mauupuan.
Lumipas ang isang oras ay nakaramdam ako ng relaxation dahil parang na cleanse ako ng mga oras na ito. Medyo natamaan lang ako sa homily ni Father dahil patungkol ito sa anak na umalis at muling bumalik sa kanyang ama pero sa posisyon ko ay ako ang binenta ng sarili kong daddy at until now ay hindi pa ako nakakabalik sa kanya. Haysss.
Di bale, haharapin ko na lang ang pagsubok na binigay sa akin God. Ito na ang will ng buhay ko. Ang maging asawa ng isang multi-millionaire sa Pilipinas pero hindi kayang ipakilala sa mga kamag-anak.
Ganun talaga kapag arrange marriage, nakakasuklam. Hmp. My goodness kakagaling ko lang ng simbahan ang bad ko na. hahaha.
Sana kada linggo payagan ako ni Calix magsimba para kahit papaano naman ay freely ako sa bahay niya.
"Calix, pwede ba tayong kumain sa labas?" kalabit ko dito.
"No, uuwi na tayo ng bahay." walang emosyon nitong sabi habang tinutulak ko siya palabas.
"Seryoso ba? kahit drive thru lang please." pagmamakaawa ko.
"No." maawtoridad na sabi nito.
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga sinasabi niya.
Pagkabalik namin sa bahay ay nag hot bath lang ako tsaka pumunta sa garden. Maghapon na tinitignan ang cellphone kung tatawag ba si Ate Eunice or magtetext man lang.
Kaso umasa na naman ako dahil wala itong text kahit tawag man lang. Nagpaliban pa ako ng kain para lang hindi ko mamissed ang call ni Ate Eunice pero baka ganun talaga. Wala talaga kaya yumuko na lang ako para umidlip hanggang sa nakatulog na lang ako sa garden.