Episode 44 The Runway Fashion Show ISABELLE’S POINT OF VIEW. Wala siyang ibang babae, kahit noong umalis ako ay hindi niya ako pinalitan. Iyong nakita kong kasama niya sa kasal nila Kira ay pinsan nilang kakauwi lang ng Pilipinas at agad din naman na umalis pagkatapos ng kasal ni Trevor. Iyon namang nakita ko sa social media ay kaibigan lang niya at kaya siya nasa bar noong time na iyon dahil birthday ng kanyan kasama sa trabaho at kailangan niyang pumunta. Hindi naman ako nagalit o pinagdudahan siya kasi buhay niya naman iyon at isa pa iniwan ko siya nang panahon na iyon kaya pwede siyang maghanap ng iba at palitan ako, pero hindi niya ginawa kasi mahal niya ako. Nandito ako ngayon sa airport at kailangan ko nang bumalik sa Paris. Kasama ko ngayon si Luke rito at inihatid niya lang ak

